"Papa! Papa ayoko na po dito! Hindi po ako may gawa non, Papa!!!" Sigaw ko kay Papa sa labas.
Andito ako ngayon sa lumang kwarto na pinagtambakan ni Papa ng mga lumang gamit niya.
Tanging liwanag lang na nagmumula sa bintana ang meron. Gustuhin ko mang tumakas ay hindi ko maabot ang bintana kahit anong gawin ko.
"Papa, ayoko na po dito Papa!" Patuloy akong sumisigaw at umiiyak.
Limang araw na akong andito, walang pagkain, walang tubig at walang kahit ano.
Nanghihina akong napaupo at napasandal sa dingding.
"Bakit ko ba to nararanasan? Mama, asan ka na po?" Umiiyak kong tanong sa sarili ko.
I'm just 13 years old.
Napapagod na ako dahil sa pinaggagawa nila sa akin. Araw Araw akong ginagahasa ng dalawang ate ko.
Ayoko na sa kanila.
"Andito ako, kasama mo." Napalinga linga ako sa paligid ng may marinig akong boses.
"S-sino ka?"
"Kaibigan. Hindi kita sasaktan." Nagsumiksik ako sa gilid dahil sa boses na naririnig ko.
"K-kaibigan kita? H-hindi mo a-ako sasaktan tulad n-nila Ate Bryn at A-Ate Stella?" Nanghihina kong tanong.
"Oo."
"Talaga!? Laro tayo! Gusto ko sana magbasa ng books kaso madilim dito tskaa walang books."
"Makakalabas din tayo dito."
"Paano? E nilock ni Papa sa labas. Pano ka napunta dito?" Para akong nakomportable na kausap siya.
"Ngayon lang ako napunta dito."
"Friend na tayo ah! Ano pangalan mo? Lapit ka sakin hindi kase kita makita eh. Anong ginawa sayo ni Papa bat ka andito?" Tanong ko at humiga sa sahig.
"Ako si Gray."
"Talaga? Pareho tayo ng pangalan, ako si Zeref Gray!" Masaya kong tanong at bumangon.
"Laro tayo, Ray! O di kaya usap muna tayo. Lam mo ba, ayaw sakin ni Papa. Tsaka ang bad ng mga ate ko. Inaaway nila ako. Wag mo akong awayin ah?"
"Oo naman, magkaibigan tayo, Zef!"
Simula ng araw na yon ay palagi ko na siyang kausap sa kung saan.
Hanggang sa makalabas ako ng kwarto na pinagkulungan sakin.
"Ano, tatanda ka na ba huh?" Tanong sakin ni Papa at sinampal ako.
"H-hindi po ako a-ang n-nagnakaw non, Papa! N-nakita ko po si Tita k-kinuha niya po pero mo po!" Pagsasabi ko ng totoo.
"Ginawa mo pang magnanakaw ang Asawa ko! Dapat pinatay nalang kita eh! Wala kang utang na loob! O siya sige labas." Tinulak niya ako palabas.
Naalala ko si Gray kaya huminto ako.
"P-Papa, s-si Gray po nasa loob pa! K-kaibigan ko po siya, Papa! So-sobrang bait niya po, palabasin mo na po siya." Kita kong natigilan siya sa sinabi ko.

BINABASA MO ANG
Haunted
Mystery / ThrillerZeref Gray Vermilion - babaeng sobrang lamig makitungo dahil sa nakakatraumang pangyayari sa nakaraan niya. Hanggang sa may Isang professor na darating at guguluhin ang tahimik niyang mundo. Aizen Dabria Avila - The most beautiful professor ng unive...