Chapter 34

7.8K 309 96
                                    

Hindi parin maalis sa isip ko yung Cherlie na yon.

Pamilyar talaga yung boses niya eh.

Parang narinig ko na dati.

May kaboses siya.

Imposible, patay na yon.

Napailing nalang ako sa kawalan bago itinungga ang alak na nasa baso ko.

Kasalukuyan akong umiinom ngayon, pero dito lang sa bahay. Ayaw ko namang lumabas labas lalo na't may text ng text sakin. Baka makidnap ulit ako.

"Hey, bakit gising ka pa?" Tanong ni Dabria at yumakap sa likuran ko.

"Di ako makatulog." Sagot ko at hinarap siya.

Kita kong inaantok pa siya, baka nagising lang siya dahil wala ako sa tabi niya.

"Let's sleep. Gusto kita kayakap." Tumango naman ako at tumayo na.

Inalalayan ko siya paakyat ng hagdan dahil mukhang antok na antok talaga siya.

"Zeref." Tawag niya sa pangalan ko ng makapasok kami ng kwarto.

Nag hmm lang ako sa kanya at iginaya siya pahiga ng kama.

"What if she's alive?" Mahinang tanong niya at umunan sa braso ko.

Alam ko kung sino ang ibig niyang sabihin dahil naikwento ko ang nangyare kanina s aoffice at sa restaurant pero di ko na sinali yung hinalikan ako dahil baka magmukha na naman siyang dragon.

"Hindi ko alam, Dabria. Ano ba dapat na gawin natin kung siya nga yon?" Tanong ko at niyakap siya.

Iisa lang kase kami ng naiisip na tao sa likod ng mga nangyayaring ito.

"What if kunin ka niya sakin? What if-" hinalikan ko siya sa labi para matigil.

"Shh, di niya ako makukuha. Sayo lang ako hmm? Matulog na tayo, makakasama sa baby natin yan nagpupuyat kana naman." Natawa naman siya ng mahina at ipinikit na ang mata.



Kinabukasan ay hindi ako pumasok ng opisina dahil sa puyat ako. Ginigising kase ako ni Dab para ipagluto siya or hanapin cravings niya.

Kaninang madaling araw nagcrave siya ng champorado na nilagyan ng sili tas, ilang subo lang ang kinain niya tas ako na ang umubos lahat ng natira dahil maanghang daw.

Halos mamaga labi ko dahil sa sobrang anghang, siya kase naglagay ng sili kaya di ko alam kung ilang pirasong sili nilagay niya.

"Dada, wala na po si Mama Cherry, right?" Tanong ni Keanna at tumabi sakin.

Si Aize naman nakakandong sakin, kanina pa nagsasamaan ng tingin si Aize at Dabria dahil gusto din ni Dabria kumandong.

"Yes baby, why?"

"Eh yung friend mo po patay narin po diba? Yung Melly?" Tumango naman ako sa kanya.

"Bakit?"

"Wala lang po." Kumunot naman ang noo ko sa sagot niya.

Magsasalita sana ulit ako ng umiyak si Aize.

"Hey Aize, bakit?" Tanong ko at hinawakan ang mukha niya.

"Si Mama po! Pinitik niya tenga ko." Nakangusong sumbong niya sa akin.

Napatingin naman ako kay Dabria sa kaliwa ko na ansama ng tingin kay Aize. Jusko talaga pati bata.

"Dabria." Tawag ko sa pangalan niya kaya nagbaling siya ng tingin sakin at sinamaan ako ng tingin.

HauntedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon