Chapter 5

14K 585 179
                                    

Kasalukuyan akong naghahanap ng trabaho ngayon, hindi na muna ako pumasok ng paaralan para maghanap ng trabaho.

May pera pa naman akong naipon malaki laki parin naman pero dapat parin talaga akong maghanap ng trabaho.

Pagod na pagod na ako dahil alas dos na ng hapon, hindi pa ako nakakakain. Nakakita ako ng karenderya kaya agad akong pumasok sa loob para kumain muna.

Kanina ko pa nararamdaman ang presensya ng taong sumusunod sakin pero isinasawalang bahala ko nalang.

Habang naghihintay ng pagkain ko ay biglang tumunog ang cellphone.

Saf calling...

Kulit talaga netong babaeng to palagi nalang tumatawag. Nakakainis alas dose ng madaling araw tumatawag siya para lang sabihin na ang ganda niya. Ggo ba siya?

Sila ng mga kaibigan nya ang madalas ko ng nakakasama, masasabi kong mababait naman sila at hindi naman ako hinahawakan nila Saf.

Sinagot ko ang tawag niya pero bago yon ay napaikot muna ang mata ko sa ere.

"Ano?" Iritadong tanong ko.

"Easy prend sungit mo. Bat di ka pumasok?"

"Naghahanap ako ng trabaho."

"Trabaho? Bakit?"

Di ko na siya sinagot at pinatayan nalang ng tawag, sakto namang dumating ang pagkain ko.

Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng karenderya dahil ramdam ko parin ang presensya ng taong nakamasid sakin.

Wala naman akong napansing kakaiba kaya pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko.

Pagtapos kong kumain ay lumabas na agad akong ng karenderya pero syempre nagbayad muna ako. Nagsimula na ulit akong maghanap ng trabaho.

Napahinto ako sa isang poste na may nakapaskil na papel.

Wanted secretary

Agad ko itong kinuha at binasa ng maayos.

A.D.A Corporation.

Hinanap ko ang address kung nasaan ang kompanya, malapit lang din pala kung nasaan ako.

Pagdating doon ay agad akong lumapit sa guard na nakabantay.

"Magandang hapon po, may nakita po akong nakapaskil kanina sa poste na naghahanap po kayo ng secretary, balak ko sanang mag apply." Mahabang saad ko sa guard.

"Ay magandang hapon din iha, sige pasok ka hanapin mo lang si Ms. Tiago jaan." Nagpasalamat naman ako sa kanya bago pumasok ng kompanya.

Namangha ako sa ganda at laki nito, damn ang ganda na nga ng nasa labas pati ba naman sa loob?

Nagtanong tanong ako kung saan makikita si Ms. Tiago at di naman ako nabigo dahil siya pala ang napagtanungan ko.

"Hi, I'm Hailey Tiago I'm the secretary of Ma'am Dabs. Aalis na kase ako kaya naghahanap kami ng bago, halika sa opisina ko." Tumango naman ako sa kanya bago sumunod.

Pagdating namin sa opisina niya ay agad niya akong niyayang umopo na agad ko din namang sinunod.

"So, bakit sa tingin mo dapat kitang tanggapin sa trabaho na to?"

Kase ma'am naghahanap po kayo ng secretary. Chariz.

Sinagot ko naman siya ng maayos, madami pa siyang itinanong hanggang sa tuluyan na siyang huminto.

HauntedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon