"Dabria."
"Dabria gising."
"Love, gising!"
I woke up because of a soft pat on my cheek.
I slowly open my eyes.
"Zeref."
She held my cheeks at pinunasan ito. Umiyak pala ako.
"Ako nga, nagising ako dahil kanina ka pa iyak ng iyak. Tinatawag mo pangalan ko, ayos ka lang ba? Mukhang masama ang panaginip mo ah? Inom ka muna tubig oh." She handed me a glass of water.
Matapos kong uminom ay niyakap ko siya ng mahigpit.
"P-please d-don't le-leave me." I felt that she caressed my hair and kissed it.
"Hindi ah, ano bang sinasabi mo jan. Andito lang ako. Tulog na tayo ulit? Babantayan kita." I nodded to her at humiga ulit.
"I love you, Zeref." I sweetly said to her.
She kissed my forehead and my lips.
"I love you too, Dabria. Matulog ka na. Andito lang ako." I nodded ang closed my eyes.
I hope this is not dream.
Zeref Gray Vermilion POV
Nagising ako kanina dahil narinig ko iyak ni Dabria habang tinatawag ang pangalan ko. Sigurado na naman akong hindi na naman maganda panaginip non.
Pitong taon na ang lumipas simula ang nangyaring insidente, at masasabi kong tahimik na ang pamilya namin.
Ngayon nga ay buntis ulit si Dabria.
Nagpagaling si Dabria, ganon din ako. Sinigurado ko na wala na si Gray sa loob ko.
Nang sumapit ang alas singko ay bumangon na ako para maligo dahil aasikasuhin ko pa Sina Keanna at Aize.
Hinalikan ko muna sa noo si Dabria bago bumangon.
Siya nga pala, engage na kami.
Pagkatapos maligo ay bumaba na ako para makapag luto ng almusal, di ko naman na kailangang gisingin pa yung dalawa dahil kusa namang gigising yung mga yon.
Habang nagluluto ay may naramdaman akong yumakap sa likuran ko.
"Good morning, love." Bati niya kaya hinarap ko muna siya at hinalikan sa noo.
"Good morning din." Ngumiti naman siya sa akin at hinalikan ako sa labi.
"Ang bango mo po." Natawa ako sa sinabi niya.
Palagi niya nalang inaamoy leeg ko simula ng magbuntis siya.
"Wahhh Mama, Dada!!!" Napalingon kami ni Dabria ng marinig naming sumigaw si Keanna.
Pinagtripan na naman siguro siya ng kapatid niya.
"Hey, what's the problem?" Tanong ni Dabria kay Keanna at hinalikan ito sa noo.
"Si Aize po kase tinadyakan junjun kooo!!" Sumbong niya sa amin.
Palagi nalang talaga ang junjun niya yung pinagtitripan ni Aize.
Kung di lang talaga sila magkapatid iisipin kong may gusto si Aize kay Keanna dahil palagi itong humahalik sa labi ni Keanna at gusto na palaging katabi ito.
"Bakit na naman?" Tanong ko at itinuon ang atensyon sa niluluto.
"Gusto niya daw po ng kiss eh hindi pa ako nakakapag toothbrush non kaya ayon tinadyakan niya po." Kahit di ako nakatingin ay alam kong nakanguso si Keanna.

BINABASA MO ANG
Haunted
Mystery / ThrillerZeref Gray Vermilion - babaeng sobrang lamig makitungo dahil sa nakakatraumang pangyayari sa nakaraan niya. Hanggang sa may Isang professor na darating at guguluhin ang tahimik niyang mundo. Aizen Dabria Avila - The most beautiful professor ng unive...