Chapter 17

12.3K 425 165
                                    

"Gray, wake up." Panggigising sakin ng kung sino.

"Ugh! Gray I said wake up!" Napabalikwas ako ng bangon ng may malakas na sumampal sakin.

Nakita ko si Dabria na ang sama ng tingin sakin. Ano na naman bang ginawa ko?

Napahilamos ako ng mukha bago humiga ulit at hinila siya para yakapin.

"Maligo ka." Napakamot ako ng tenga dahil sa sinabi niya.

Inabot ko naman ang cellphone ko na nakapatong sa maliit na drawer sa tabi ko at tinignan kung anong oras na.

Alas 4 pa lang.

Alas 3 ako nakatulog dahil kung ano ano pinapabili niya.

"Gray, I said take a shower!!" Bigat talaga ng kamay neto.

"Bakit? Mabaho po ba ako, mahal?" Tanong ko at sumubsob sa leeg niya.

Ramdam kong natigilan siya sa tanong ko bago ako itulak. Napanguso naman ako bago bumangon.

Baka talaga nababahuan siya sakin, di niya naman ako gigisingin kung hindi eh.

Pumasok nalang ako ng banyo at naligo. Papikit pikit pa akong naliligo dahil sa sobrang antok. Anlamig pa ng tubig jusko.

Napamulat ako ng mata ng may yumakap sakin sa likuran. Tigas naman ng ulo neto.

Hinarap ko siya, kita kong nakahubad narin siya.

"Dabria, mamaya ka na maligo, malamig pa tubig baka makasama sa inyo ng baby." Umiling iling lang siya sakin at tinulak ako pasandal sa pader bago halikan.

Agad ko namang ginantihan ang halik niya pero agad ko ring pinutol.

Kita kong sumama ang mukha niya ng pinutol ko halikan namin.

"Maliligo lang, Dabria. May check up ka pa mamaya." Agad niya naman akong sinampal bago padabog na lumabas ng banyo.

Napailing nalang ako bago pinagpatuloy ang pagligo.

Pagtapos maligo ay naka bathrobe lang akong lumabas ng banyo.

Paglabas ay kita kong nakatalikod sa pwesto ko si Dabria. Kukuha na sana ako ng damit ng marinig ko ang mahihinang hikbi niya.

Lumapit ako sa kabilang side ng kama at lumuhod.

Kita kong basa na ang pisnge niya dahil sa luha.

"Ano po problema?" Mahinang tanong ko at pinunasan ang pisnge niya.

"I-i hate you! Y-you don't l-love us."

Aish di lang napagbigyan hindi na agad mahal.

Concern lang naman ako sa kanilang dalawa ng baby dahil baka mapagod siya at di kami matuloy mamaya sa check up niya.

Nabalik ako sa ulirat ng sampalin niya ako. Grabe talaga kamay neto.

"I hate you! I hate you! I hate you!"

Pinagsusuntok niya ang dibdib ko. Napabuntong hininga naman ako bago siya paibabawan at halikan.

Napatigil naman siya sa pagsuntok sakin at ginantihan ako ng halik.

Itinukod ko ang magkabilaang braso ko sa gilid niya para hindi ko full na maibigay ang bigat ko sa kanya lalo na't buntis siya.

At ng umagang yon, maaga naming ginawang almusal ang isa't isa.

Nagising nalang ulit ako dahil sa mahihinang tapik sa pisnge ko.

"Dada! Dada! Gising na po lagot ka kay Mama." Dahan dahan kong minulat ang mata ko at si Keanna agad ang bumungad.

HauntedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon