Zeref Gray Vermilion POV
Kasalukuyan akong andito sa bahay kasama si Lauren.
Inaya niya akong lumabas kanina kaso hindi naman ako pwede dahil babantayan ko ang dalawang anak ko, wala si Dabria hindi ko alam kung san siya pumunta.
Isang linggo ko na napapansin na palagi siyang umalis ng bahay ni hindi man lang nagpapaalam sa akin. Pag uuwi naman, nakahawak lang sa cellphone niya. Ni hindi na nga siya sumasabay kumain samin dahil palagi nalang nasa cellphone atensyon niya.
Gusto kong mainis, magalit at magreklamo pero ano bang karapatan ko? Ni hindi ko nga alam kung anong relasyon naming dalawa.
May anak kami, yon lang.
Akala ko label mauuna, anak pala.
Baka nakahanap na siya ng iba, baka hindi na siya masaya sakin at baka ayaw niya na sakin.
Pero di ko kaya. Di ko kayang mawala pa sakin si Dab, mahal na mahal ko siya.
"Teh, kanina pa kita kinakausap baka gusto mo akong pansinin? Andito pa ako oh! Baka malunod ka jan sa iniisip mo, di ka pa naman marunong lumangoy." Sinamaan ko naman ng tingin si Lauren dahil sa huli niyang sinabi.
"Bakit ba?" Irita kong tanong at kumagat ng sandwich.
"Sungit naman this gurl! Ang sabi ko kase ang weird ng isa sa mga bago mong kaibigan! Yung ano bang pangalan non.. Jelly? Kelly?"
"Melly."
"Oh ayon! Ang weird nya! Ugh basta weird di ko maexplain."
Isa pa yan, ayaw akong palapitin ni Dabria kina Safara lalong lalo na daw kay Melly.
Nung last na pumunta dito si Safara ay pinaulanan siya ng bala ni Dabria. Narinig ko pa ngang sumigaw si Safara non na hindi na siya babalik e hahaha.
"Hayaan mo na." Tanging sagot ko.
"Dada, wala na pong hotdog doon." Sambit ng pumasok sa sala na si Keanna.
Ay oo nga pala, di pa ako nakakapag grocery.
"Mag gogrocery ako maya maya pagdating ng mommy mo para may magbantay sainyo ha."
"Ay nope, ako na magbabantay dito sa mga anak mo. Shupi na mag grocery ka na don." Sabat ni Lauren sakin.
"Sigurado ka?"
"Oo nga tsupi." Tumango naman ako bago halikan sa noo si Keanna at umakyat ng kwarto para magbihis at kumuha ng pera.
Pagdating sa groceryhan ay agad akong namili ng mga dapat bilhin. Kukunin ko na sana yung isang plastic ng Choco mocho na biscuit ay may kamay ding kumuha dito.
"Oh hi Zeref!" Bati ni Melly sakin.
"Hi. Sige iyo na." Binitawan ko ang biscuit at tatalikod na sana ng humarang na naman sa harap ko si Melly.
"Oy bakit hindi ka na namamansin? Di ka na nakikipag bonding samin. Miss ka na namin, miss na kita." Malungkot na saad niya at niyakap ako.
Nagulat ako sa pagyakap niya kaya di ako nakagalaw pero kalaunan ay tinapik tapik ko ang balikat nya at bahagyang tinulak palayo sakin.
"Masyado mo na akong nahahawakan, Melly." Malamig kong saad sa kanya.
"Oh sorry, asan Asawa mo? Hindi mo ba kasama? Samahan nalang kita sabay na tayo." Aya niya at lumingkis sa braso ko.
Napahinga naman ako ng malalim at nagpipigil ng inis.

BINABASA MO ANG
Haunted
Mystery / ThrillerZeref Gray Vermilion - babaeng sobrang lamig makitungo dahil sa nakakatraumang pangyayari sa nakaraan niya. Hanggang sa may Isang professor na darating at guguluhin ang tahimik niyang mundo. Aizen Dabria Avila - The most beautiful professor ng unive...