Chapter 39

7K 289 93
                                    

Napalingon kaming lahat sa nagsalita.

"Ch-Cherry." Paano?

Hindi ko siya napansing nakasunod samin.

"Masyado kayong mabagal kumilos. Naunahan ko pa kayo dito. At ikaw! Nakakaalala ka na pala hahahaha." Tumawa siya na parang demonyo at tinutukan kami ng baril.

Lahat kami napaatras. Inilagay ko sa likod si Dabria. Buti nalang at nasa loob na ng van ang mga bata.

"Halaaa! Halaa kaa, mamamatay tao ka, Ma'am? Halaaa!" Napalingon ako kay Rhea ng magsalita siya.

Kita kong sinenyasan niya pang lagot si Cherry.

"Boys, hulihin sila!" Lumapit samin ang mga tauhan ni Cherry pero di pa nila kami nahahawakan ng sinapak ko ang isa sa mga tauhan niya.

Kita kong tinulungan nadin kami ng mga tauhan ni Dabria. Mas marami ang tauhan ni Cherry kaya di ko alam kung makakayanan ba namin to.

"Pumasok ka sa van, Dabria!!!" Sigaw ko kay Dabria habang pinagsasapak ang mga gustong humawak sakin.

"Ayoko!"

"Pumasok ka na please!" Umiling iling siya sa akin at tinulungan ako sa paglaban.

Nanlaki ang mata ko ng bumagsak agad ang Isang lalaki sa isang sapak lang ni Dabria.

Biglang may humawak sa likuran ko kaya nagpumiglas ako pero naramdaman ko ang pagposas nito s kamay ko.

Napalingon ako kay Dabria na nakaposas narin. Tngina. Ganon din ang mga kaibigan ko.

Napalingon ako sa mga tauhan ni Dabria na bagsak na. Gago?

Nabaling ang atensyon ko kay Cherry ng marinig kong tumawa ito.

"Talo na kayo. Bat ba kase kayo nagpupumilit na lumaban pa. Ibigay niyo nalang sakin si Zeref para tapos na to."

"How dare you! I'm gonna kill you bitch!" Nagulat ako ng tinutukan ni Cherry ng baril si Dabria.

"Ako ang papatay sayo, Aizen."

"W-wag! Please Cherry, pakawalan mo na ako. Tama na." Pagmamakaawa ko dito.

Naramdaman kong itinali ang paa ko kaya natumba ako.

Kita kong hirap na hirap nadin mga kaibigan ko.

"Oww, I'm sorry pero akin kalang Zeref. Hmm, patayin ko kaya to?" Lumapit siya kay Dabria at idinikit sa ulo nito ang baril.

"C-Cherry w-wag. Wag mo siyang saktan Cherry, ako nalang." Napakuyom ako ng kamao ng malakas niyang sinampal si Dabria.

"Cherry!!" Hindi niya ako pinansin at hinawakan ang panga ni Dabria.

"Sirain ko rin kaya mukha mo gaya ng pagsira mo ng mukha ko, hmm Dabria? Sayang, magkaibigan pa sana tayo kaso traydor ka eh." Tumulo ang luha ko ng sinakal niya si Dabria na ngayon ay nakangisi.

Di man lang siya natakot?

"Go! Do it. Kahit naman sirain mo mukha ko, I know Zeref will still choose me. Always. Because she love me. Eh ikaw? Nagbago ka nga ng mukha pero ugali mo kasing baho mo. Alis nga iww ambaho, amoy putok ka pa." Ggi. HAHAHAHA.

Nagulat ako ng humagalpak ng tawa si Rhea.

"HAHAHAHAHA gago savage. Amoy putok ka pala, Ma'am. Iww. Tngina HAHAHAHAH- awww bat ka namamaril!? Gago ka ah!" Di ko alam kung maaawa o matatawa ba ako sa kalagayan niya.

HauntedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon