Magdamag akong gising dahil hindi talaga ako nakatulog at pinakiramdaman lang ang paligid ko.
Tngina naman kase eeee.
Kasalukuyan na akong nagluluto ng agahan namin. May trabaho pa ako sa kompanya ngayon pero eto ako lutang.
Si Dab naman aasikasuhin ang university ngayon. Sinabihan ko na ako na ang bahala don dahil buntis siya pero ayaw namang makinig.
Ang dalawa naman naming anak ay papasok ng paaralan.
Sanaol nakatulog ulit eh noh.
"Ano ba kase, Aize!? Kahapon ka pa ah!" Rinig kong iritadong sigaw ni Keanna.
Ayan na naman sila.
"Tsk! I'll cut your junjun nalang!" Doon ako napalingon sa kanila at nakita kong may hawak ng gunting si Aize.
Shvta.
Kita kong nanlaki ang mata ni Keanna at tumakbo paikot sa lamesa.
"Heyy! Tama na yan! Pagpapawisan kayo kakatapos niyo lang maligo." Saway ko sa kanila na ikinahinto nilang dalawa.
Kita kong hingal na hingal si Keanna at binalingan ng masamang tingin si Aize.
Si Aize naman ay madilim ang awrang nakatingin sa kapatid.
"Ano na naman bang problema niyong dalawa?" Tanong ko at pinatay na ang kalan.
"Ayan kaseng spoiled brat na yan, Dada oh! Sinabi ko ng bawal humawak sa junjun ko eh!" Lukot ang mukhang sagot ni Keanna.
Napatingin naman ako kay Aize pero parang wala lang sa kanya ang sinabi ni Keanna.
"Aize, alam mo namang bawal hawakan ang ari ng iba, diba? Gusto mo bang ganon din gawin sayo? Yung hinahawakan ka ganon?" Mahinanon kong tanong na ikinatingin niya sa akin.
"Yes po." Tngina.
Nanlaki ang mata ko sa sinagot niya. Gagi.
Napabuga nalang ako ng hangin bago inihain sa lamesa ang almusal namin.
"Ewan ko sa inyo, umupo na kayo jan tatawagin ko lang muna mama niyo." Kita kong sinamaan muna nila ng tingin ang isa't isa bago umupo.
Napailing nalang ako bago puntahan si Dabria sa kwarto.
Kita kong parang may tinitigan siya sa bawat sulok ng kwarto kaya kumunot ang noo ko.
"May hinahanap ka ba, Dab?" Tanong ko at nilapitan siya.
Kita kong nagulat pa siya sa pagpasok ko pero agad ding ngumiti at yumakap sakin.
"Nothing. Good morning!" Maligalig na bati niya at pinaghahalikan ang buong mukha ko.
Napailing naman ako bago siya halikan sa labi at ginantihan ng yakap.
"Good morning din, misis ko." Kita kong namula ang mukha niya bago sumubsob sa leeg ko kaya natawa ako.
"Baba na tayo, andon na ang dalawa." Tumango naman siya at hinawakan ang kamay ko.
Pagdating sa hapag kainan ay kita kong nakatingin ang dalawa sa isa't isa, kapwa masama ang titig nila sa isa't isa.
Ano ba naman yan.
Napailing nalang ako bago ko hinilaan ng upuan si Dab at tsaka naman ako umupo.
Nagsimula na kaming kumain at ang dalawa ay hindi parin natigil sa pag aasaran.
"Kamusta pag aaral niyo?" Sabat ko sa asaran nilang dalawa.
Pano ba naman, napunta na sa kung sinong ampon sa kanilang dalawa.

BINABASA MO ANG
Haunted
Misterio / SuspensoZeref Gray Vermilion - babaeng sobrang lamig makitungo dahil sa nakakatraumang pangyayari sa nakaraan niya. Hanggang sa may Isang professor na darating at guguluhin ang tahimik niyang mundo. Aizen Dabria Avila - The most beautiful professor ng unive...