Chapter 13

13.3K 521 192
                                    

"Dada, pumunta po ng school po yung babae po na pumunta dito, yung mama ko daw po." Nabaling ang atensyon namin kay Keanna.

Andito kami sa opisina ni Ma'am Avila ngayon, biyernes ngayon at walang pasok si Keanna. Ayaw ko namang iwan siyang mag isa sa bahay dahil baka bumalik si Cherry kaya nagpaalam ako kay Ma'am Avila na kung pede isasama ko sana si Keanna.

Kasalukuyan kaming kumakain ngayon dito ng tanghalian sa opisina ni Ma'am Avila, ilang beses na akong tumanggi sa kanya pero sadyang makulit talaga siya.

4 na linggo na rin ang lumipas ng mangyari ang anuhan naming dalawa. Pansin kong palagi siya paiba iba ng mood nitong nakaraang linggo. Palagi rin siyang nasa bahay dahil gusto niya daw ako makita.

May time pa nga na alas dose siya ng gabi pumunta ng bahay, nagising nalang ako dahil kinakalabit niya ako tas wala namang sasabihin at yayakap lang sakin.

Gusto ko mang itaboy siya pero may part sakin na parang ayoko. Alam kong mag boyfriend sya at mali tong ginagawa namin pero pakiramdam ko unti unti naring nahuhulog ang loob ko sa kanya.

Lalo na kung paano siya maging ina kay Keanna.

"And then, what happened baby?" Nabalik ako sa ulirat ng marinig ko ang boses ni Ma'am.

"Sabi niya po sama daw po ako sa kanya. Kukunin niya na sana ako ng may dumating na maraming mga lalaki po naka mask at pinaalis po yung babae sa akin." Mga lalaki? Sino naman?

Fck, gumagalaw na si Cherry, bwiset talaga yung demonyong yon.

Nag aalala na ako para kay Keanna dahil walang mag babantay sa kanya sa school baka kunin siya bigla ni Cherry.

"Don't worry baby, hindi na ulit siya makakalapit sayo." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Ma'am.

Anong ibig niyang sabihin non?

Bago pa ako makapag salita ay may taong pumasok sa opisina ni Ma'am.

"Hi babe! Ohh hi there!" Bati niya kay Ma'am at bati niya rin samin ng mapansin niya kami.

Nabaling naman ako ng tingin kay Ma'am at nakita kong napakuyom ang kamao niya at sumama ang mukha pero agad ding nawala at ngumiti sa lalaki.

Okay?

"Oh hi babe!" Bati niya naman sa lalaki at tumayo ito.

Kita kong hahalikan sana siya ng lalaki pero iniwas nito ang mukha neto kaya kita kong napakuyom ang lalaki.

"Babe, may dala akong food for you. It's your favorite!" Itinaas niya ang dlaa dala niyang paper bag at ibinigay kay Ma'am.

Kinuha naman ito ni Ma'am at binuksan. Pagbukas ng tapperware ay nabitawan niya ito at dali daling pumasok ng banyo. Nag alala ako ng marinig kong sumuka ito.

Tatayo na sana ako at pupuntahan siya ng maunahan ako ng boyfriend niya.

Pinagpatuloy nalang namin ni Keanna ang pagkain.

"Dada, who is him po? Is he a boyfriend po of Mama? Di niya po ba tayo love?" Inosenteng tanong ni Keanna sakin.

"Shh, ubusin mo na yang pagkain mo. Love ka ni Mama, hmm?" Ngumiti naman siya sa akin at tumango.

Maya maya lang ay nakabalik na silang dalawa at kita kong inalalayan ng boyfriend niya si Ma'am.

"Hahatid na kita sa bahay, babe. Nung nakaraang linggo ka pa ganyan, pa check up kana kay-" di natapos ng lalaki ang sasabihin niya ng umangal si Ma'am.

HauntedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon