Kasalukuyan akong nasa classroom ngayon, si Dabria ang kasalukuyang Professor namin.
Kanina ko pa napapansing may nakatingin sakin pero binabalewala ko lang, hindi rin naman si Dabria dahil nililibot niya ang paningin niya sa lahat.
Saglit kong nilingon si Saf na seryosong nakatingin kay Dabria, kaya ibinalik ko nalang ang tingin ko sa harapan.
Pagharap ko ay masamang titig ang sumalubong sakin galing kay Dabria.
Jusko second semester na kaya mas nakakastress na yung mga school works.
Habang nagdidiscuss si Dabria ay may biglang kumatok na agad niya namang binuksan.
"Who are you?"
"Lauren Pascual po, miss beautiful." Nanigas ako sa kinauupuan ko ng marinig ang pangalan na yon.
"Transferee ako, Ma'am." Kita kong binuksan ng malaki ni Dabria ang pinto at pinapasok ang bagong dating.
"Introduce yourself." Malamig na saad ni Dabria at umupo sa upuan bago ako bigyan ng nakaakit na tingin.
"Wassuppp madlang pipol! I'm Lauren Pascual! Nag transfer ako dahil para kayy.... Zeref!!! Hi best!" Napayuko ako dahil sa kahihiyan.
Kapal talaga ng mukha neto jusko.
May bakante pa namang upuan sa gilid ko kaya ramdam kong doon siya umupo.
"Huy. Hala ka ayaw mamansin. Hmp, hoy!" Binalingan ko naman siya ng masamang tingin bago ako tumingin sa harapan.
Kita kong andilim ng awra ni Dabria kaya di ko maiwasang mapalunok.
Nagpatuloy na siya sa pag discuss. Di ako masyadong maka focus dahil kaliwat kanan ang kumakalabit sakin.
"Dismissed. Vermilion, in my office. Now." Pahamak naman tong si Lauren.
Isinukbit ko na ang bag ko at susunod na sana ng kabigin ako ng yakap ni Lauren.
Di ko naman maiwasang mapayakap din sa kanya dahil miss na miss ko na tong best friend ko.
Bigla niya naman akong pinaghahalikan sa buong mukha ko kaya di ko maiwasang matawa. Ganto talaga to pag nagkikita kami.
"Pogi na ng best friend ko! Ano Ilan na babae mo huh?" Tanong niya at inakbayan ako.
"Sino siya, Zeref?" Tanong ni Saf.
"Hii! Ako best friend niya! Mga bago niya kayong kaibigan?" Maligalig na tanong ni Lauren.
"Yeah." Maikli namang sagot ni Saf. Anyare dito?
"Tara tara, wag na tayong pumasok sa next class. Don tayo sa bahay mo, bonding tayo!" Hihilain niya na sana ako palabas ng hinila ni Saf ang dulo ng damit ko kaya napalingon ako sa kanya.
"Bakit?" Walang salitang lumabas sa bibig niya kaya kumunot ang noo ko.
Lumayo naman ako kay Saf at inakbayan si Lauren bago kami lumabas ng classroom.
Bigla kong naalala si Dabria. Patay.
"May pupuntahan pa ako, Laur." Kita kong napanguso naman siya.
"Wag mo na puntahan! Anyway ang ganda ng professor natin noh? Kaso, buntis nga lang. Sino kaya ang maswerteng nakabuntis don." Saad niya at hinawakan ang baba niya tila nag iisip.
"Ako." Napahagalpak naman siya ng tawa na tila hindi naniniwala sa sinabi ko.
"Akin siya, Lauren. Wag mong pagpantasyahan yung akin." Seryoso kong usal na nagpamutla sa kanya.

BINABASA MO ANG
Haunted
Mystery / ThrillerZeref Gray Vermilion - babaeng sobrang lamig makitungo dahil sa nakakatraumang pangyayari sa nakaraan niya. Hanggang sa may Isang professor na darating at guguluhin ang tahimik niyang mundo. Aizen Dabria Avila - The most beautiful professor ng unive...