Chapter 42 - Date?

2.5K 79 5
                                        

CHAPTER 42 - DATE?

3RD PERSON'S POV

Kakalapag pa lamang ng eroplano at abala ang lahat sa pagbababa ng kanilang mga gamit. Galing sa Los Angeles ay lumapag ang eroplano dito sa Pilipinas.

Kasalakuyan ng binubuksan ang pinto upang makababa na ang mga taong tapos na sa pagaasikaso sa kanilang mga gamit.

May isang lalaking nakashades at may earphones na nakasalpak sa kanyang mga tenga. "Ugh." Ungol niya dahil medyo inaantok pa siya. Jet lag, kumbaga.

Tumayo na siya para makuha ang kaniyang gamit at ibinulsa ang kaniyang smartphone.

***

"River Lee!" Tawag sakanya ng sundo niya na si Renesmee Perri. Childhood friend niya yun at may tagal ng pagtingin sakanya. Ngunit, hindi siya mapansin-pansin kaya ganun na lamang ang pagpapapansin niya sa binata.

"Damn. Why her?" Bulong niya. Pero, agad naman siyang nakalapit sa area kung nasaan si Renesmee. "Wah! I missed you so much, River!!" Sigaw ng babae at niyakap ang lalaki.

***

CHAIIRA'S POV

Nandito na kami sa loob ng mamahaling restaurant. Hindi ko alam yung pangalan ng restaurant eh. Hindi ko na binasa. Natamad ako. HAHA. Sorry naman po 'no?

Umupo na ako sa upuan at umupo na rin si Max sa tapat ko.

"May I take your order, Ma'am, Sir?" Tanong ng waitress. Binigyan nya kaming dalawa ng menu. Pero imbis na tignan ang mga o-order-in ay tinitigan ko nalang si Max. Shemay ka. Ang gwapo niya talaga.

Napakahimala talaga na magkaron ng pagtingin saakin 'to si Max. Kasi 'diba nga, magka-away kami tas siya naman itong nahulog. Huwaw. Makapagsalita ako e, 'no? Parang ako hindi na-fall.

Oo na. Inaamin ko na. May gusto ako kay Max. Pero ayaw ko pang sabihin. Baka nagkakamali lang pala ako sa nararamdaman ko, edi naloko ko si Max? Ayaw ko ng ganun. Mabait akong tao. Ayaw kong manakit.

Nagulat ako nang tignan ako ni Max. Eh nakatitig pa man din ako sakanya kanina, medyo nakatakip lang yun menu. "What do you want to order, Chaiira?" Tanong niya. Shemay ka, nakakatuwang isipin na okay na kami ni Max.

"Ah.. Ate, dun ka muna, please?" Sabay turo ko dun sa may pinto. May sasabihin pa sana is Ate pero sinunod niya rin naman agad.

"Pwede bang wag na tayo kumain dito?" Tanong ko. 'Huh? Why"

Tanong rin sagot sakin. Galing, Max ah? "Eh kasi eh. Basta. Dun nalang tayo sa may Jollibee, Chowking, or KFC. Ayaw ko dito." Pagpapaliwanag ko.

"Bukod sa ayaw ko dito, mahal pa. Enebe." Saad ko. "I told you, it's my treat." Giit niya. Ayaw ko talaga dito. 'Di ko trip. AHHAHA.

"Sige na please?" Pilit ko sakanya. "Okay okay." At hinila ko siya patayo. Hawak ko ang kamay niya. Grabe naman, ang lambot.

***

At KFC

Nasa KFC kami ngayon. Gusto ko kasi mag-chicken ngayon eh. Natatakam ako kumain ng chicken dito. Ang sarap kayang lantakin yung gravy dito tsaka yung chicken. Isama mo pa yung krushers. Lamig. Sarap nun. Init-init pa man din.

Si Max na bahala mag-order basta sabi ko sakanya chicken legs. Yun ang pinaka paborito kong parte ng chicken eh. Tapos yung skin nun ang gusto ko. Sabay isawsaw sa gravy oh? AY SARA-

Aray ko naman.

Bakit ako nag-aray? Malamang may nanakit. De char lang. Pero masakit talaga. May bumangga sa shoulders ko eh. Ang sakit kaya. Nakashades pa, ampupu. Taas ng araw, Kuya 'no?!

Pero ang cool niya tignan. Tsaka may itsura. Gwapo niya. Wah. Half Korean ba 'to? Mukhang half eh. Singkit mata oh? Ay ewan. Nakalimutan kong binangga niya ako at di man lang nag-sorry.

"Hey. What are you looking at?" Nagulat ako. Si Max katabi ko na pala at kinakausap ako. Nakaupo na kami ngayon sa upuan. "Ah. Wala lang. May bumangga kasi sakin, hindi man lang nag-sorry." Saad ko. Kainis. Sakit talaga eh.

"What? Who?!" Hala? Galit agad. "Wag mo na pansinin yun, Max. Okay lang ako." Kahit masakit parin. Huhu naman eh. Masakit kasi talaga. Parang may tinik yung buto nung lalaking yun eh.

"I know right. And you know what? My mom said she misses you and she wants you to have dinner with us!" Rinig kong sabi nung babaeng kasama niya. Naks. English speaking. Wait, don't tell me kakagaling lang nito ng ibang bansa? Kasi, may dala pa silang luggage eh. Or lalayas yung lalaki?

"Tell her I'm not in the mood. And also, tell her I'm in a jet lag so I can't go there yet. I'm too sleepy to have dinner and chit-chat with them. Ugh." Sabi nung lalaki sabay hawak sa ulo niya. Ah. Sabi na eh. Kakagaling lang sa ibang bansa. Pananamit pa lang oh? Sama mo na yung luggage.

Ay ewan! Bakit ba ako nangingialam sa business nila? Hindi ko naman sila ka-ano-ano.

***

Natapos na kami kumain at inuwi na ako ni Max. Pero bago siya umuwi, niyakap ko siya at binulong ko ang salitang "Thank you" sakanya.

Nginitian niya ako pabalik at umalis na siya.

I completely forgot about the guy. Yung lalaking gwapo pero kakaiba yung ugali. Hay ewan. Makapasok na nga sa bahay.

***

END. TO BE CONTINUED...





Mr. Sungit and Me (REVISING//EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon