Chapter 4 - Tattletale

6.9K 156 9
  • Dedicated kay Aira Eleka Manalo
                                        

CHAPTER 4 - TATTLETALE

CHAIIRA'S POV

Pagkalabas ko ng classroom, para akong nakahinga nang maluwag. The tension inside is very surreal. Parang napakaimposible pa ring isipin na ang Porsche University, isa sa mga pinakatanyag at prestigious school sa bansang ito, ay ganito trumato sa mga estudyante, lalo na sa mga bagong estudyante.


Kung alam 'to ng pinaka may-ari ng school, baka matagal na 'tong tapos. Baka nga hindi alam 'to ng tatay ni Max e. Kasi, ba't niya naman hahayaan na maging ganito ang eskwelahan na itinayo niya, 'di ba?


Nagsimula na akong maglakad sa hallway. Walang ni isang estudyanteng nasa labas. Takot yata silang masimulan na ang blessings na sinasabi ng lalaking 'yon.


Well, isang beses lang naman mangyayari sakanila e. Ako nga, ilang beses niya raw gagawin saakin. Tss... Tignan natin kung hanggang saan ang tapang mo ngayong isusumbong na kita sa tatay mo.


Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko si Max na nakatayo at as usual, nakasandal na naman sa pader. What's with him leaning on walls? Sa tingin niya ba mukha siyang cool do'n? Oo, gwapo siya, pero 'di niya ikina-cool 'yon.


He kept his hands inside his pocket while he looked at me intently, watching my every move.


Nang marealize ko na sasandal lang siya do'n at pinapanuod lang ako, nagsimula na muli akong maglakad. Wala akong pake sa gagawin niya. Ang mahalaga ay makapunta kaagad ako sa opisina ni Mr. Porsche para malaman niya na ang lahat ng kabalastugang ginagawa ng anak niya.


I was about to pass by him when all of a sudden he grabbed me by the wrist, and pulled me to face him.


Ngayon ko lang siyang nakita nang malapitan.


"What are you doing outside class?" Tanong niya saakin, his hand still resting on my wrist. Patigas nang patigas ang hawak niya sa may bandang pulso ko kaya napasigaw ako. Saka niya namang binitawan ang pulso ko.


Inangat ko ang kamay ko para makita ang itsura ng pulso ko na ngayon ay may pulang marka na ng kamay niya.


"Wala pang klase, mister. At wala ka na do'n." Pabalang na sagot ko. Sumeryoso ang tingin niya. He chuckled while looking sideways, and back at me.


"You're pretty feisty, aren't you?" Tanong niya saakin, with a slight hint of smile on his face. Inangatan ko siya ng kilay.


"Just because you're a woman, doesn't mean I won't hurt you." He warned with a scowl. Ako naman ang natawa.

Mr. Sungit and Me (REVISING//EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon