This chapter is dedicated to my Tita Shane who supported me to push through and finish this story.
***
CHAPTER 8.5 - RELATIVES
CHAIIRA'S POV
Hanggang ngayon na nakasakay na ako sa sasakyan namin pauwi kasama ang mga pinsan ko na sinundo sa airport, hindi pa rin matanggal sa isipan ko yung Sydney na nakausap ko sa airport. Napabuntong hininga ako. What are the odds of meeting someone from Porsche University or anything related to that school diba?
Napailing-iling ako at napatingin sa labas.
"Ang tahimik yata ng bunso niyo..." Napalingon ako sa gawi ng nagsalita. Si Tita Natalie pala, kapatid ni Mama. Kasama niya ang mga anak niya na sina Talia at Nathan na mga kasing edad din namin.
"Nako, Tita... Antok lang 'yan." My sister laughed as she answered my tita's observation. Tinignan ko nang masama si Ate Clarisse at inilipat ang tingin kay Tita Natalie.
"Bothered lang po sa mga happenings sa school." Sagot ko, gently allowing my head to be pressed on the window pane because of the acceleration of the car. Nakatitig lang din ako sa mga tao at sasakyang nadaraanan namin.
"Ang sipag talaga nitong pamangkin ko. Kahit walang pasok, naiisip mo pa rin talaga ang school works mo."
When she said that, I had to shut up. Nako, tita. Kung alam mo lang... Sana nga yung reason ng stress ko is academic-related kaso hindi e...
The whole vehicle was enveloped with silence as we go through our way home. Nanatili lang akong nakadungaw sa bintana. Si Ate Clarisse, hindi ko alam kung anong ginagawa.
Kasama nina Tita Natalita ay ang mga anak niya na si Ate Jean at Kuya Jean [as in John].
Hindi ko alam kung ano, pero medyo ang awkward. Hindi katulad no'ng bata kami na 'pag darating sila, nag-uusap na kaagad kami tungkol sa mga ganap sa buhay namin pero ngayon... wala.
Baka pagod.
Oo nga naman... baka nga naman pagod. Kagagaling lang din kasi nila ng biyahe. Pwede rin.
I pushed the thought away out of my head, and focused on what I should do for the blessings. Nagsalita ako e. I talked back, pero wala naman akong kasiguraduhan na magagawa ko talaga 'yong mga 'yon.
Well, I am Chaiira. And, I am a Pendleton. Hindi kami nagpapatalo nang basta-basta. Hindi nang dahil lang sa lalaking iniwan ng kung sinong importanteng tao sa buhay niya - hindi nang dahil lang sa Maximilian 'Max' Porsche na 'yan.
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit and Me (REVISING//EDITING)
Teen FictionIn Porsche University, blessings are given to new students to make them feel welcome, but Chaiira doesn't feel welcome at all! Chaiira Anjali Pendleton, being the feisty girl she is, tries to stop the blessings led by the one and only son and heir o...
