CHAPTER 17.5 - MOUNTAINS
CHAIIRA'S POV
We all looked at Max's response to my mom in awe. Lahat kami nagulat kasi bakit gano'n na lang siya bigla? Parang kanina ang bastos ng bibig niya tapos ngayon parang sobrang respectful niya na. Akala mo isang prinsipe na nanggaling sa isang pamilyang respetadong-respetado,
I mean, they are the respected Porsche family, pero 'yong anak walang respeto. And seeing him now na ganiyan ang trato sa mama ko, makes me wanna question his attitude and his motives behind this demeanor.
Like, bakit niya 'to ginagawa? What will he gain from this?
Mom broke the silence, unaware of the tension that just risen from the sudden change of attitude from Max.
"I didn't know you were friends with the Porsche's, mga anak," she beamed sweetly.
"Anyway, we can talk more about this inside. Come in, come in," nauna na si Mama sa loob ng bahay at nagsisunuran naman kami.
"Baka mga gutom na kayo," she joked at binuksan ang isa pang pinto namin para sabay-sabay kaming makapasok.
Naunang pumasok si Ate, then si Jacky, then si Ice, then si Max, at nagpahuli ako. I even gave this look on Max - hindi ko lang sure kung napansin niya.
Pagkapasok ko ay dumiretso na ako sa taas - sa kwarto ko - para makapagpalit at makapagluto na kaagad. Kahit naman prinepare na ni Mama ang mga ingredients, medyo matagal-tagal din ang pagluluto ng Adobo, 'no.
Mabilis akong nakapagbihis dahil kumuha lang ako ng shorts at ng plain white tee shirt sa closet ko. Nagwash-up na rin kasi kami sa shower room sa school bago umalis kaya hindi na rin ako nagwash-up dito.
Pagkababa ko ay naririnig ko ang mga tawanan sa baba. Umaalingawngaw din ang boses ni Jacky na may kung anong kinekwento.
Napailing ako habang binabasbas ang stairway namin.
Medyo nakikinig-kinig ako sa mga pinag-uusapan nila para may alam ako sa mga ganap. Habang naglalagay ako ng apron ay nakita kong nakatingin sa akin si Max - nakangisi.
I don't know, pero medyo kinabahan ako sa ngisi na 'yon.
"So, Mrs. Pendleton, your family has a business, right?" Rinig kong tanong ni Max sa Mama ko habang nagluluto ako.
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit and Me (REVISING//EDITING)
Teen FictionIn Porsche University, blessings are given to new students to make them feel welcome, but Chaiira doesn't feel welcome at all! Chaiira Anjali Pendleton, being the feisty girl she is, tries to stop the blessings led by the one and only son and heir o...