CHAPTER 21 - THE PLAN
CHAIIRA'S POV
"Chaii, what do you think about this?"
Napalingon ako sa gawi ng nagtatanong. Sumalubong sa akin ang nakakasilaw na ngiti ni Ice. For a minute, hindi ko masyadong napansin 'yong tanong niya at ang kung ano mang hawak niya kasi masyado ako na-focus sa mukha niya.
Napakasarap sa mata. Hay...
"Chaii?" Rinig kong banggit niya ulit na nagpabalik sa akin sa ulirat.
Pasensya na ho... Wala naman atang mali sa paghanga sa kaibigan, 'di ba?
"Ah, yeah? Ano 'yong tanong mo ulit?" Balik ko sa kanya.
Hays. Ayan... 'Di ka kasi nakikinig. Well... It's partly his fault. Bakit naman kasi gano'n 'yung ngiti niya talagang pagkalingon ko? Ayoko na, itigil na natin itong kalokohang 'to.
Ngumiti lang siya. Ulit. Napansin niya ata na 'di ako nakikinig...? Or, narealize niya na masyado akong na-distract sa kanya to the point na hindi ko narinig sinabi niya? Ano ba?! Nakakagulo ka ng utak. Hindi ako maka-concentrate sa ginagawa ko dahil sa 'yo.
Tamang desisyon ba na pumayag akong tumulong siya sa plano kong pagtatayo ng restaurant? Baka 'di ako makagawa nang maayos nito, e.
"I was asking about this." Iniangat niya pa 'yong kamay niyang nakaangat na'ng may hawak na parang background design para sa picture taking ng mga pagkain. Nabanggit kasi sa akin ni Ice na simulan ko na ang pagp-plano ng mga magiging content, recipes, and everything needed para sa pagsimula ng restaurant ko. Kaya, heto... kasama ko siya ngayon dito sa bahay namin.
"Y-Yeah. Mukhang okay naman 'yan." His face lit up the moment he heard my answer. Tapos ngumiti ulit.
Ayan ka na naman.
Good thing, kinayanan kong ma-contain ang kilig ko, ngumiti pabalik, at nag-iwas ng tingin. I don't think I can still look at him kasi mukhang mano-nosebleed ako sa ka-gwapuhan niya.
Anyway, business plan pa lang naman ang kailangan kong gawin kasi nga ipe-present ko 'to sa angel investor ko na ipinakilala sa akin ni Ice na si Ethan Harvard, na siya namang pinsan ni Maximilian Porsche.
Nakakaloka pa rin talaga 'yung katotohanan na ang liit lang ng mundo. At sa pagkaliit-liit ng mundo, kailangan ko pang makabangga ang pinaka-nakakairitang tao na nakilala ko sa balat ng lupa. Okay na no'ng nakilala ko si Ice, e. I guess, everything went downhill when I came across that Max Porsche.
Pero, ang sabi nga nila... be thankful and contented with what you have right now.
I glanced at Ice, who was busy surfing through the web, looking for another design he can suggest habang ako nagj-jot down ng recipes and ideas para sa restaurant na gagawin ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/11135152-288-k550458.jpg)
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit and Me (REVISING//EDITING)
Novela JuvenilIn Porsche University, blessings are given to new students to make them feel welcome, but Chaiira doesn't feel welcome at all! Chaiira Anjali Pendleton, being the feisty girl she is, tries to stop the blessings led by the one and only son and heir o...