Chapter 20 - The Story

2.6K 75 3
                                    

CHAPTER 20 - THE STORY

CHAIIRA'S POV


"What the hell happened to you, Max?"


Napatingin kaming lahat kay Max, halatang lahat gusto malaman kung anong naging rason ng pagiging ganiyan niya.


Tama lang naman.


Dapat ko na ring malaman kung bakit ganiyan ka-shitty ang ugali niya at kung dapat bang mapatawad ko pa siya sa mga ginawa niya sa akin at sa mga balak niya pang gawin in the future.


It's as if magagawa ko... Pero I'll try. Tsk.


"The fuck is that question?" Singhal niya sa amin at ibinalik ang tingin sa phone na hawak niya sa kanang kamay.


Natawa naman ako. Parang kanina nanggugulo ka pa ta's ngayon na nabaling na sa'yo ang atensyon, pilit mo namang iniiwasan. Gulo mo rin, e, 'no?


Ice stood up and headed towards - I don't know - basta, umalis siya saglit. Paano ko nalaman?


Syempre, sinundan ko ng tingin.


Sabi nila, kapag gusto mo ang isang tao, 'di mo mapapansin na laging nasa kanya ang atensyon mo. Hihi ene be keye pere ke nemeng temeng eh hehehe


Okay, ang korni ko sa part na 'yon. What the freak, Chaiira? Focus!


"Well . . . we're waiting for your story," tabla ni Ethan kay Max. Nilahad niya kami pagkasabi niya ng we are as if lahat kami reporters na kailangan marinig ang pahayag niya ukol sa isang malaking isyu sa bansa. President of the Philippines? More like president of the evil ones. Tsk.


"Why'd ya'll have to know? It's not like ya'll even care," he coldly muttered under his breath habang nakaiwas ang tingin sa amin. 


The atmosphere within the room suddenly dropped at para bang may dumaan na anghel kasi natahimik kaming lahat sa sagot niyang iyon. 


"That's what you think."


Nabasag ang katahimikan nang muling pumasok si Ice sa sala kasama ang ibang kasambahay na may dalang pagkain at inumin. Wow, ha? Gano'n sila ka-close, 'yong tipong 'di na nila kailangan magpaalam sa kung sinong kukuha ng pagkain or whatnot. Sana all. 


"We care, Max, more than what you can imagine," tuloy ni Ice with a face-like statue kasi seryosong-seryoso rin siya sa sinasabi niya. 


Well, one thing I really admire with Ice is his loyalty. His friendship with Max says it all - na kahit nag-iba ang ugali niya ay andyan pa rin siya para kay Max.


When will you disappoint me, Ice?


Mr. Sungit and Me (REVISING//EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon