Chapter 16 - Princess-like

3.1K 93 11
                                        

CHAPTER 16 - PRINCESS-LIKE

CHAIIRA'S POV


Nakatayo kaming lahat ngayon sa harap ng isang malaking gusali. Wow. Ang lalim ng Tagalog ko do'n, ah?


Anyway, nabanggit ko na nga na nandito kami ngayon kasi dito ang shop ng Porsche University for school-related activities. Kabogera, diba?


Malapit na ang grandball at nasa kalagitnaan na kami ng practice. So far, hindi ko pa nakakapartner si Ice.


Napasimangot ako sa thought na 'yon. Pero, at least partner niya naman ang kapatid ko, so I guess that's okay. Kaya ang partner ko pa rin throughout the practice is si Maximilian Porsche.


Sa totoo lang, nakakabwisit lang talaga rin siya ka-partner. Minsan hinihiling ko na lang na hindi na lang siya na-attend ng practice, e. Mas maigi pa 'yon kesa sa nasa practice nga siya pero para bang ako 'yong lalaki at ako ang gumagawa ng lahat.


Ni pagtuwid sa balikat niya sa tuwing ginagawa namin ang Waltz steps, 'di niya magawa. Sa totoo lang, bakit ba sa akin ipinartner 'tong lalaking 'to?


At dahil sa naalala ko na naman ang mga ganap, nakabusangot akong sumunod kela Ate Clarisse.


Nandito ang buong klase - mapababae man o lalaki. Halu-halo kaming nakapila papasok ng gusaling nabanggit ko kanina.


Pagkapasok namin, nadaanan namin ang mga naglalakihang mga pinto at sobrang shiny nila - halatang nililinisan talaga at hindi pinababayaan.


Kasabay ng pagbukas ng pinto ay ang pagsalubong sa amin ng mga employees ng Porsche Company. Talk about respect; si Max kasi wala no'n.


Napaikot ako ng mata nang wala sa oras. Kung ano ang ikinaganda at ikinaayos ng Porsche Company employees, 'yon naman ang ikinaiba ng anak ng CEO.


Ewan ko na lang talaga sa buhay,  sa totoo lang.


"Good morning, Porschians!" Bati sa amin ng magandang babae na nakatali ang buhok, naka-pencil skirt, nakaputing blouse habang may nakapatong na dark blazer sa ibabaw no'n.


She flashed her smile after talking. Hinintay niya muna na humupa ang ingay na nabuo sa grupo namin at saka siya muling nagsalita.


"Today, you will be having the freedom to choose whatever clothing you would like to wear for the grandball this December," she happily narrated, not taking away the beam from her face.


Nagkaroon ng onting ingay. Excited kasi ang halos lahat. Well, you can say na excited din ako dahil first time.

Mr. Sungit and Me (REVISING//EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon