Chapter 41 - Selca

2.5K 83 1
                                    

Author's note:

Hi! Aayusin ko na po talaga 'yung sulat ko. Haha. Nga pala, may mga dinagdag ako sa mga former chapters. Ine-edit ko na kasi for the sake of my labs, which is you. Oo, ikaw na nagbabasa nito. Labs na kita. HAHA. Yun nga para mas lalo niyong maintindihan. You are free to comment. Criticize my story or what, I'll accept it with all my heart.(MEGANON?!) Yan tama na po.

***

CHAPTER 41 - SELCA

CHAIIRA'S POV

Pagkatapos nung nangyari sa condo ni Ice, ayun. Medyo, okay okay na kami ni Max.

Hindi ko talaga makalimutan yung ginawa namin ta's yung sinabi ko and.. EVERYTHING.

Imagine, niyakap niya ako and niyakap ko siya pabalik. I mean, may meaning yun eh. Syempre, nakumpirma ko na sa sarili ko na gusto ko na nga si Sungit.

Opo. Tama po ang nabasa niyo. Gusto ko na si Sungit. Okay? Hahaha. Pero Shhh lang kayo ah? Lalo na kay Ate. Fan pa man din yan ng MaCh. MaCh daw yung pangalan ng love team namin. Grabe to si Ate. Hay naku.

Anyway, nakakatuwa lang. Nasa pangalan na ulit ni Mama ang Kompanya, so ayun. Siya na ulit ang magha-handle ng kompanya. Yehey diba?

Naramdaman kong nagvibrate yung phone ko so tinignan ko. Sa tingin ko text 'to. Once lang nagvibrate eh.

FROM: MR. SUNGIT

Hey! Did you already have your lunch?



Hindi pa ako kumakain ng lunch eh. Ay wait, tanungin ko lang kung libre niya. Evil laugh. HAHA.



TO: MR. SUNGIT

Ahmm.. Hindi pa eh. Yayayain mo ba ako?



Sinend ko na at ilang minuto pa lang nagreply na siya agad.



FROM: MR. SUNGIT

Well, yeah. My treat, don't worry.



BOOM! LIBRE NIYA DAW! HAHAHAHA! Sige na po. Sasama na ako. Oo na po. Sige na po.



TO: MR. SUNGIT

Okay.



Reply ko. Haaay. Sa tingin ko masarap kasi libre. Haha. Masaya yun!

Narinig kong nagriring yung phone kaya sinagot ko. Si Sungit yung tumatawag. YAMAN! DAMING LOAD!



"Hello?"

[Hey! I'm outside. Look!] Tumayo ako mula sa pagkakaupo at tumungo sa pinaka malapit na window. Nandun nga ang loko.

"Oh.. Wait. Sandali. Magpapalit lang ako." Sabi ko then pinatay ko na.

Sakto naman pagkababa ni Ate, aakyat palang ako."Oh! May pupuntahan ka?" Tanong ni Ate.

Sasabihin ko ba or what?

"Ah.. Ano... Kakain lang ako sa labas. May kaibigan kasi akong nagyayaya eh. Hehe." Medyo nagsinungaling ako. Kaibigan? Haha. Kaibigan ko ba si Sungit? Ano ba kami? Ay ewan.

"Talaga? Sino naman? Don't tell me SUITOR MO?!" Nagulat ako kasi parang naiinis si Ate or what.

"Bakit ba, Ate? Anong meron? Tsaka duh? Wala akong suitor 'no!" Pagde-deny ko. Wala naman kasi talaga.

"Weh?!" Badtrip ka, Max! Ba't ka naghonk? Naghonk siya ng sasakyan. Oo nga pala, ayaw niya ng matagal.

"Aba! Sinundo ka pa. Hindi daw suitor ah?" Naglakad si Ate papunta sa pinto at nakarating agad siya sa labas. Tas binuksan ang gate. Hindi ko magets itsura ni Ate.

Parang galit na ewan. Bakit ba? Tas nung nakita niya si Max. Aba, mukhang gumanda mood ni Ate ah? Tinanggal kasi ni Max yung shades niya. At parang nagpipigil ng ngiti. HALA? Ang wierd ni Ate ah?

"Ahh.. Max! Ba't nandito ka?" Ngiting tanong ni Ate kay Max."I invited Chaiira to grab lunch with me." Sabi niya without hesitation. Omo! Ba't niya sinabi?!

"Ay.. Kala ko manliligaw na." Bulong ni Ate, pero rinig ko naman."You saying anything?" Tanong ni Max. Umiling si Ate as reply.

Napansin yata ako ni Sungit kaya nagsalita siya."Hey, are you dressed up?"

Nagmadali akong umiling at pumasok sa loob.

Nagbihis ako. Pagkatapos ko magbihis, lumabas ako agad. Napatingin saakin si Max at medyo, MEDYO napatitig saakin. Or, imagination ko lang yun?

Aish, never mind.

Tumungo na ako agad sa sasakyan ni Max."Max?" Andyan pa rin si Ate. Nasa may gate, nakatingin.

"Ah.. Yeah, yeah. Come in." Sabi niya. Bubuksan ko na sana yung pintuan ng sasakyan nya pero hinawakan niya yung kamay ko na siyang ikinagulat ko.

Tumingin ako kay Ate at, WHAT THE HELL? KINIKILIG ANG LOKA! Hinahawakan kasi ni Max yung kamay ko. Saka ako tumingin kay Max."Bakit?" Tanong ko sakanya.

Nilayo niya ako sa sasakyan niya pero hindi niya parin binibitawan yung kamay ko. At, binuksan niya ang pintuan ng sasakyan."Okay. Come in."

Wow. Ang gentleman naman! Waaah. Kinikilig ako.

Bago pumasok ay tumingin muna ako kay Ate bilang paalam."Alis na kami, te." Saad ko mula sa loob ng sasakyan. Nag nod lang siya bilang tugon.

"Nga pala, Max. Ibabalik mo pa ba si Chaiira?" Tanong ni Ate na siyang ikinagulat ko. Anong klaseng tanong yan?

"Of course. I should." Sagot niya sa tanong ni Ate."Pwede rin naman na wag mo na rin siyang ibalik." Lumaki ang naninigkit kong mata at napatingin sa gawi ni Ate.

Tumawa ng malakas si Ate at sinabing, "Joke lang! 'To naman! HAHAHA! Ano lang, syempre, kailangan mong ibalik ang Lil' Sis ko. Yan lang ang nag-iisa kong Lil' Sis no!" Kwento ni Ate.

Medyo tumawa si Max. Narinig ko eh."Sige te." Tapos pumasok na siya sa loob ng bahay.

Nakapasok na't lahat-lahat si Ate pero hindi pa kami umaalis. Nakaupo na rin sa driver seat si Max. Ano pa bang hinihintay niya?

Napansin ko sa peripheral vision ko na palapit siya ng palapit saakin. HALA! A-anong gagawin niya?

Don't tell me, hahalikan niya ulit ako?! Malapit na siya. MALAPIT NA SIY--

Ay. Inayos lang pala yung seatbelt ko. Nag-assume ang lola niyo. Oo na po. Iba po ang ine-expect ko.

Nanlaki ang mata ko ng makaramdam ako ng dampi sa left cheek ko.

Napatingin ako kay Max sa ginawa niya. Okay. I did not see that coming. Hinalikan niya ako sa cheeks.

Nakatingin pa rin ako sakanya. Napansin kong may hinuhugot siya sa kaniyang pocket. Ah, phone. Para saan?

"We're gonna have a selca." Saad niya ulit. Parehas kaming ngumiti at...

CLICK!

Agad naming tinignan ang picture sa phone niya."We look good together." Sabi niya sabay lagay sa pocket niya.

Kahit yun lang ang sinabi niya, medyo kinilig ako dun.

Pinaandar niya na ang sasakyan at umalis na kami.

Okay na kami ni Sungit 'no?

Mr. Sungit and Me (REVISING//EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon