Chapter 14 - Plan

2.8K 88 9
                                    

CHAPTER 14 - PLAN

CHAIIRA'S POV


"Hindi ka pa rin ba tapos, Chaii?"


Napalingon ako sa may pinto nang marinig ko si Ate Clarisse na pumasok sa loob ng kwarto ko. I squinted in return. Natawa naman siya sa reaction ko at umupo sa favorite brown bean bag ko. I rolled my eyes in return at ibinalik ang tingin sa notes ko sa harap ko.


Hindi talaga uso sa kanya ang pagkatok.


"Baka gusto mo munang kumatok bago ka pumasok?" Tinaasan ko siya ng kilay habang kinakagat ang dulo ng ballpen ko.


Narinig ko siyang tumayo kaya napatingin ako sa kanya. She walked by the door, held it by the door knob, balled her fist, at saka kumatok. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya. Anong trip mo, Ate?


"Ayan, kumatok na ho," ngumiti siya nang peke at saka ulit prenteng umupo sa bean bag ko.


Napailing-iling ako sa ginawa niya habang nag'tsk' nang tatlong beses.


"Anyway," ibinaba ko ang ballpen ko sa ibabaw ng study table at humarap sa kanya. "What do you need?" Tanong ko saka siya hinarap.


Pinatunog niya ang dila niya at ngumiti.


"Baka ikaw ang may kailangan sa 'kin?"


Siya naman ang nagtaas ng kilay. Napaisip ako sa sinabi niya at sinubukang alalahanin kung may sinabi ba ako.


"Ahh, oo nga pala," kalmadong sabi ko habang tumatango-tango.


Kailangan ko nga pala kasing magsimula ng plano na ka-counter sa mga blessings sa'kin ni Max.


Lumapit na si Ate at kinausap ako sa mga naisip niya.


***


Kinabukasan, dumiretso kaagad kami ni Ate Clarisse sa klase. Nakasalubong agad namin si Jacky at Ice. Bumati kaming lahat sa isa't isa at nagkumustahan. 


Mabuti na lang at sa first class kong ito, hindi ko kasama si Maximilian Porsche. Kung magkataon, baka sa likod ko siya nakaupo at baka kung anu-ano na naman ang plinano niya sa akin. 


Umiling-iling ako at tumutok na lang sa klase.


Sumunod na naging klase namin ay ang English class. 


I grabbed my notebook from inside my bag and lay it in front of my desk. Kinuha ko na rin ang organizer ko at inilabas ang research ko regarding sa assignment namin na Dr. Jekyll and Mr. Hyde. 

Mr. Sungit and Me (REVISING//EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon