Dedicated to: my friend, Rhana.
***
CHAPTER 17 - MOUNTAINS
CHAIIRA'S POV
"Okay. Let's all take a 5-minute break. Back to start pagbalik niyo. Go," announcement ng dance instructor namin. Isa-isang naglipana ang mga kaklase ko at nagpunta sa kung saan man nila gustong pumunta.
The grandball is in a week, so todo na 'yong practice namin. Nakakatuwa nga kasi hindi na ako nakastuck lang sa partner ko na kinaiinisan ko; sino pa ba? Edi si Max. Nakasama ko na rin sa practice si Ice at sobrang nakakatuwa.
Alam mo 'yon, sobrang kampante ka lang; tapos talagang aakayin ka niya; kapag nagkakamali siya ng steps, siya pa mismo ang maga-apologize; tapos tinatanong niya ako kung okay lang daw ba ako, kung pagod na ba ako, or kung nahihirapan daw ba ako sa ginagawa namin.
I sigh escaped from my mouth.
Nakakakilig lang. Totoong relax na relax lang ako kapag siya ang kasama ko, pero kapag si Max ang ka-partner ko? Ay, ewan! Sobrang kabaligtaran. Kaya hanggang ngayon, nakakapagtaka pa rin talaga kung bakit bestfriends sila, gayong magkaibang magkaiba ang ugali nila.
Napailing-iling ako. Napaikot na rin ng mata.
I really can see the difference kapag si Ice ang iniisip ko at kapag si Max ang iniisip ko. Makikita naman talaga.
Kinuha ko na ang inumin ko sa bag at lumagok. Medyo nakakahingal na rin kasi ang sinasayaw namin. Mabuti na lang at marami akong dalang tubig. Kung 'di, nakapila pa ako para kumuha ng tubig sa water refilling station namin, which is malapit sa library banda. Medyo malayo-layo rito sa dance studio.
So far, mga nasa seventy-five percent na raw kami ng sayaw, ayon sa instructor namin. Pero marami pang kailangan linisin, i-polish na steps, so kayod kung kayod talaga ngayon. Madalas lumalagpas na rin kami sa time namin. Ang dismissal namin for practice is until 7:30 PM pero umaabot kami minsan ng 8 PM or 8:30 PM. Kaya minsan, kumakain na kami sa labas.
Inangat ko ang pulsuhan ko kung saan nakalagay ang wristwatch ko to check the time. See, lagpas 7:30 PM na, pero nandito pa rin kami. Mabuti na lang at may dala akong biscuit. Girl scout, laging handa!
It's a good thing I joined the girl scouts no'ng bata pa ako or else I never would've been this prepared. May mga benefits din talaga ang mga pagsali sa mga extracurricular activities sa school. Supportive din naman si mom, so okay lang din!
"One minute left tapos back to position tayo, guys!"
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit and Me (REVISING//EDITING)
Novela JuvenilIn Porsche University, blessings are given to new students to make them feel welcome, but Chaiira doesn't feel welcome at all! Chaiira Anjali Pendleton, being the feisty girl she is, tries to stop the blessings led by the one and only son and heir o...
