Chapter 45 - Double Date

2.1K 65 0
                                    

CHAPTER 45 - DOUBLE DATE

CHAIIRA'S POV

Lumipas ang ilang linggo, heto, nililigawan pa rin ako ni Max. Ayaw ko pang mag-confess. Nakakahiya e. Si Max kasi makapal ang mukha kaya ganun nalang siya makapagconfess saakin no'n.

Nakaupo ako ngayon sa upuan. Malamang. HAHA. Anyway, nakaupo ako sa upuan sa may fountain dito sa Mall. Hinihintay ko na dumating si Max. Inutusan kong bumili ng ice cream. HAHAHA.

Char. Di ko siya inutusan. Siya pa nga nagyaya na bumili ng ice cream e.

May napansin akong familiar silhoutte sa 'di kalayuan. Omo! Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Sila na ba?

Naks naman!

Nakita ko kasi si Dylan at si Sydney. MAGKASAMA. Emegesh. Kinikilig ako~

"Dylan!" Tawag ko sakanya. Napalingon naman siya sa gawi ko kaya naman mas lalo akong kinilig. Hahaha! Ngumiti siya ng malaki at naglakad habang akbay-akbay si Sydney.

L-um-evel up sila oh? Hahahaha! ♥♥

"Dylan, si Ate Chaiira oh?" Sabi niya kay Dylan. "ATE CHAIIRAAAAA!" Sigaw niya habang tumatakbo palapit saakin. Grabe ah? Hindi masakit sa tenga. Pramis.

Nakalapit siya kaagad saakin at agad akong niyakap. "Wah! Ate Chaii, na-miss kita!" Aniya. Aww.. Mukha siyang puppy. Ang cute.

"Na-miss din kita." Honest kong sinabi. "Oh? Anyare na ba sa kapatid mo, si Ethan? Halos nanahimik ah?" Tanong ko. Biglang lumungkot ang mukha niya, matapos kong tanungin iyon.

"Bakit?" Tanong ko muli. "Umalis kasi si Kuya e. Iniwan ako dito. Gusto daw magpahangin." Feeling ko, may gustong ipahiwatig 'tong si Sydney. Pero, 'di ko masyadong ma-gets.

"Ano bang nangyari d'on?" Takang tanong ko. Hay. Nakakamiss ang kakulitan niya ah? "Anyway, back to you two." Pagbalik ko sa topic namin.

Tinignan ko sila na at wi-ni-ggle yung eyebrows ko. Hahaha! Grabe talaga. Kinikilig ako sa kanila.

"So, ano na? Kayo na ba?" Tanong ko na medying kinikilig. Haha! Ako pa itong kinikilig e, 'no? Ibang klase talaga ako. HAHAHA!

"Well..." Huwaw talaga ah? Pabitin epek pa 'tong si Sydney e. "Hmm... Eto." At may hinarap sa mukha ko ang kamay niya. Pero, may iba.

"O-M-G! Don't tell me...?"

"Uhuh?" Nakangiting pag-nod niya.

"Don't tell me..?!" Abot tenga ang ngiting sabi ko.

"Hay naku. Patagal pa kayo ng sabihin e. Oo!" Nangielam na si Dylan sa pinag-uusapan namin. Ewan ko ba kung natutuwa 'to si Dylan or what. Walang pinapakita na kahit anong emosyon e. Ni ngiti wala.

"ENGAGED NA KAMI!" Sabi niya. Ano ba 'to? Galit ba ito si Dylan?

"Ayy.. Okay." Ngiti abot Mars si Sydney samantalang si Dylan, ewan. Na-badtrip yata. Haha.

Hindi pa ba siya sanay sa'kin? Eto talaga si Dylan. Haha!

Nabalik ako sa huwisyo nang biglang may humawak sa balikat ko. Lumingon ako para makita ang mukha ng taong humawak sa balikat ko.

"Max!" Tawag ko sa pangalan niya. "Kilala mo naman na si Dylan, diba?" Tanong ko. Tumango siya bilang tugon.

"Eto si Sydney Hyanice Harvard. Kapatid ni Ethan." Pagpapakilala ko kay Sydney kay Max.

"Yeah. I know her. Ethan's bratty sister." Komento niya sabay smirk.

"Aish, Kuya Max!" Inis na sambit ni Sydney ng pangalan ni Max. Natawa nalang ako sa pinag-gagagawa nila.

Napatingin ako sa gawi ni Dylan. Parang nakasimangot na ewan. Baka gumaan na 'yung loob niyan pag maya-maya na.

"So, anong ginagawa niyo dito? Date?" Tanong ko. Tumango si Dylan. "Yeah. It's a date." Sagot niya.

"Why won't we have a Double date? Tutal, nandito naman na tayo, 'di ba?" Suhestiyon ko. Tumingin muna si Dylan at si Sydney sa isa't-isa at parang nag-usap sila through eyes. Weird.

"Okay!" Sabay nilang sagot. Sync lang peg? Char. Natawa ako sa sinabi ko.

"Okay! It's settled then." Masaya kong sabi.

***

UNKNOWN'S POV

"Punyeta! PUNYETA SILA! PUNYETA SILANG LAHAT!" Sigaw ko.

"Ma'am, bawal po ang magwala dito sa Mall. Nakakaistorbo po kayo." Sita saakin ng guard. Ay punyeta! Nasa mall pala ako.

Ramdam na ramdam ko pa man din ang pagsigaw.

"Eh, pakielam mo ba?! Ha?!" Sigaw ko sakanya sabay ikot mata. "Epal 'tong guard na 'to e!" Bulong ko.

Pinagtitinginan na ako ng mga tao pero wala akong pakielam.

Patay ka talaga saakin, Chaiira. Hintayin mo. Makikita mo ang kailangan mong makita.

HINTAYIN MO LANG, CHAIIRA PENDLETON.

HINTAYIN MO LANG.

Mr. Sungit and Me (REVISING//EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon