EHEM! Charot! Magandang Umaga, Tanghali, Gabi o kung ano pa man. Hehe. Nga pala, Oh. Aagahan ko ang pagpost ng Valentines Special huh? Last time, late. Oh ngayon, inagahan ko. Haha.
***
VALENTINES SPECIAL
Clarisse's POV
May investor na daw kami, sabi ni Chaii. Ang ayos naman. Pinapatakbo talaga ng maayos ni Chaii ang kompanya.
Hay naku! Wala talaga silang maasahan saakin sa mga ganyan kasi di ko talaga forte ang pagha-handle sa mga business. Malamang hindi rin forte ni Chaii 'yun, pero mahilig kasi si Chaii sa mga challenges eh. Baka na-challenge ang loka kaya, ayun, ni-handle ang business namin.
Tourism kaya kami ni Chaii kaya hindi talaga kami pwede dun. Baka mawala lang lahat ng pinaghirapan nila Mama at Papa. Pero okay talaga yung pagpapatakbo niya dun.
Naramdaman kong nagvibrate yung phone ko, kaya tinignan ko. Ah, si Ice ice baby lang pala. Kanina ko pa katext 'to eh.
Sabi niya kasi, dahil sa Saturday naman daw yung Valentines at wala naman daw akong gagawin, magdate daw kami.
Like Oh My G! Hindi nga ako makapaniwala na niyayaya nya ako na makipag-date sakanya! Emegesh telege.
From: Ice Ice Baby~
Ano? Date tayo huh? May nahanda na ako para sa date natin. Pinaghirapan ko pa man din 'yun, tapos 'di naman pala sisipot 'tong i-de-date ko.
-END-
Binablock mail ba ako nitong lalaking itech? Ahahaha. Adik talaga.
To: Ice Ice Baby~
Oo na po. Makikipag-date na po ako sayo.
-END-
Sagot ko sakanya. Ang astig 'no. Inaantok na ako kaya tinext ko na siya na matutulog na ako. Nag good night naman siya at nakatulog na ako nun.
-KINABUKASAN-
May narecieve akong message mula kay Ice. Ni-check ko. Baka susunduin niya ako. Hehe. Expect pa more, Risse.
From: Ice Ice Baby~
Morning, Risse. Hindi na pala tuloy date natin. Tinatamad na ako. Matutulog nalang ako all day. Tsaka yung sabi ko na may handa na ako? Joke lang yun. Para mapapayag kita. Sorry. Kita tayo sa Monday.
-END-
A-ano daw? Binasa ko ulit. Ulit. Ulit. Pero, bakit? Akala ko ba meron siyang hinanda para saakin? Ano yun? Joke joke lang? So yung pag sabi niya sa akin na may gusto din sya sakin, JOKE lang? Lokohan lang, ganun?
"Ate, kakain na daw." Rinig kong sigaw ni Chaii mula sa baba.
"Oo. Susunod nalang ako." Sagot ko. Parang nasaktan ako na ewan. Parang nakakawalang ganang kumain.
Nakakainis ka, Ice!
-TIMESKIP-
Napakaboring. Wala akong magawa. Nakakainid pati! Ayaw ko din i-text si Ice at iaya siya. Ano ako? Adik? Ako magbabayad ng ipang-de-date namin? Tch. Kung ayaw niya pwes ayaw ko din.
"Ate, anong kabalbalan 'yan? Pakiexplain. Labyu." Singit ni Chaii. Ano namang problema nito?
"Bakit? Ano bang ginagawa ko?" Tanong ko sakanya.
Tumingin muna siya sa hawak kong unan tapos tinuloy yung sasabihin niya."Sinisira yung cover ng unan. Wala kaming pambili diyan, Ate huh? Ikaw magbabayad niyan. Wala pang pumapasok na pera sa kompanya." Pag-explain niya sakin. Natawa naman ako agad. Pano, yung pera lang talaga? Hahahaha. Ang adik ko.
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit and Me (REVISING//EDITING)
Novela JuvenilIn Porsche University, blessings are given to new students to make them feel welcome, but Chaiira doesn't feel welcome at all! Chaiira Anjali Pendleton, being the feisty girl she is, tries to stop the blessings led by the one and only son and heir o...
