Chapter 13 - The Carpenters

2.9K 81 6
                                    

Dedicated to: a reader, ChensingMachine21.

***

CHAPTER 13 - THE CARPENTERS

CHAIIRA'S POV


"Let's talk."


Nakatingin pa rin ako kay Max na katabi ko ngayon. Hinihintay ko siyang lumingon kasi nga kasama 'to sa activity namin for the year-end ball.


Kanina pa kami pinagagalitan. Ayaw ko naman ng gano'n kaya kinukulit ko na 'tong kasama ko kahit ayoko siyang kausap.


Ano bang mapapala ko e mukhang utak jellyfish 'tong unang partner ko sa sayaw? I let out a small sigh.


Kung si Ice lang talaga ang partner ko...


Nang maisip ko 'yon ay napalingon ako kela Ate Clarisse at Ice na ngayon ay nagtatawanan habang nakasandal sa pader. Napa-pout ako nang wala sa oras...


Sana all, Ate. Sana all.


Wala e. Taas talaga ng pride ng kasama ko e. Hindi talaga papatalo e. Napaikot ako ng mata at tinigilan na ang pagsundot sa kanya.


"Hay ewan ko sa 'yo," suko ko. Kung ayaw niya, h'wag nating pilitin. Ayaw niya nga e, ano pa bang magagawa natin? At saka mukha namang 'di siya papilit at pabebe.


"Kung ayaw mo, edi ako na lang ang magk-kwento," tuloy ko habang nakasandal na sa pader at nakatingin sa kawalan. 


"You don't really have to listen. Just go on with your thoughts while I blab here about my life."


Mas okay na rin 'yon; na hindi siya makinig. Hindi naman 'to sobrang personal pero alam mo 'yon... I've been taking this load for a while, and I just wanna release it to someone - kahit 'di ko gano'n kakilala.


Mas maganda ngang mag-open up sa hindi mo gano'n ka-close e. At least, hindi ka gano'n ija-judge.


Another sigh released from my mouth.


Maraming nagdadaldalan pero para bang sobrang tahimik ng paligid. Wala na bang mas ilalakas pa ang mga boses nila? Para naman hindi ko na marinig 'yung mga naiisip ko sa utak ko. Paulit-ulit ko kasing naririnig ang mga katagang 'to 'pag mag-isa lang ako.

Mr. Sungit and Me (REVISING//EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon