Dedicated to: @moonlightven, a friend who is also a Wattpad writer. Go and check out her stories after reading this!
***
CHAPTER 12 - PRACTICE
CHAIIRA'S POV
Napaikot ako nang mata habang tinitignan ang sarili ko sa harap ng salamin sa loob ng ladies' room. Napailing-iling ako habang iniisip ang mga pangyayari kanina. Kaya naman pala nananahimik ang mga kaklase ko pagdating at mukhang peaceful si Max kanina dahil may plano na pala talaga siya in the first place.
Well, we can say I'm partly at fault kasi hindi ko man lang napansin na nilagyan pala ng glue 'yong upuan na inuupuan ko pero hello? Kasalanan ko pa ba 'yon? Hindi ako nainform na papel na pala ang upuan para lagyan ng glue? I sighed exasperatingly.
It's a good thing that I brought a LOT of clothes dahil may practice kami today. Dahil sa kagagawan ng Max Porsche na 'yon ay nabawasan ako ng magandang pants. Huhuhu! Hindi naman sa hindi na kami makakabili pa ng panibagong pants, pero hello? Mas maganda nang nagtitipid, 'yon ang turo sa akin ni Papa... no'ng kasama pa namin siya.
I wiggled my head to get the thought out of mind at hinugasan muli ang mukha ko. Malamang sa malamang, nakalagay na ang mga nangyari sa digital school newspaper namin. Kinuha ko na ang gamit ko na nakalagay sa ibabaw ng counter ng sink at umalis na.
Ipinasok ko ang kamay ko sa loob ng bag ko at sinubukang hanapin ang phone ko para i-check kung nalagay na nga nila. At, ayun na nga. Nakita ko na naman ang mukha ko sa newspaper. Papaano nila nakukuhaan ng picture yung mga ganong events, knowing the fact na lahat kami nasa klase? I can't really understand this school. Prestigious nga, pero may pagka-weird.
Nagsimula na akong maglakad palabas ng ladies' room habang patuloy na nagbabasa ng school newspaper. Well, hindi naman ako pagagalitan ng prof namin kasi excused ako after the said incident. Ako lang naman.
"Ha--"
Muntik ko nang mabitawan ang cellphone ko nang bigla akong makabangga-- wait, erase that, mali-- mabangga ng kung sino mang tao sa hallway. Hindi pa naman tapos ang klase pero bakit parang ang sikip-sikip ng daan at saakin pa siya babangga?
Nilingon ko ang taong 'yon at nakita ko nakalingon din siya saakin with that I'm-not-sure-kung-sino-nakabangga-satin-but-I'm-sorry look. Well, excuse me. Kahit naintindihan ko yung gusto niyang sabihin base sa expression niya, gusto ko marinig mula sa kanya yung apology. Hindi naman gano'n kahirap magsorry. Napaikot na naman ako ng mata, mentally.
"I'm sorry?" Napakunot ako nang noo dahil parang hindi pa siya sure sa sinabi niya. Kaya't tinignan ko lang siya, waiting for the sincere apology.
"What are you looking at?" Natatawang sabi niya habang nagkakamot ng batok. "Hindi lang naman ako ang may kasalanan kasi nakaphone ka habang naglalakad e." Tuloy niya pa. At, sinisi niya pa nga sa akin. The nerve of this guy.
"But, yeah, I'm sorry. Really." Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Ewan ko ba kung nangt-trip pero meh, aarte pa ba ako? Nag-sorry na nga yung tao.
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit and Me (REVISING//EDITING)
Teen FictionIn Porsche University, blessings are given to new students to make them feel welcome, but Chaiira doesn't feel welcome at all! Chaiira Anjali Pendleton, being the feisty girl she is, tries to stop the blessings led by the one and only son and heir o...
