CHAPTER 6 - GIRL
CHAIIRA'S POV
"Ba't ba trip na trip ng Max na 'yan ang mga new students? Wala naman kaming ginagawa sakanya ah!" Inis na singhal ko. Sinabi saakin ni Jack ang rason kung ba't may mga kahon do'n sa may gitna ng dulo ng hallway. May botohan daw na magaganap. Hindi daw tungkol sa student council kung hindi tungkol sa iba. Ang problema, hindi niya alam kung tungkol saan ang mga boxes dahil first time lang daw for six years na nagawa itong botohan thingy.
"Ang mga new students ngayon, walang ginagawa sakanya," --he paused-- "Pero ang kwento ng iba, kaya raw nagkaganyan 'yan si Max simula nang may dumating na new student mga seven years ago." Napakunot ang noo ko.
"Nung una tungkol sa mama niya yung reason, ngayon naman nang dahil sa new student?" Naguguluhang tanong ko sakanya. Nalilito na ako sa mga 'to. Jusko. Ba't 'di nalang kasi mag-move on 'yang Max na 'yan para wala ng problema? Laki ng problema niya sa buhay. Kainis.
"Ganito kasi muna, tih! Makinig ka ng mabuti ha?" Sarkastiko niyang sabi. Inikutan ko siya ng mata. Sa totoo lang kasi 'di ako mahilig sa mga gossip, chismis-chismis na 'yan. Wala naman kasing nagagawang maganda 'yan pero kailangan kong malaman ang rason kung bakit ganiyan 'yang Max na 'yan. In a way, baka matigil na ang masasamang blessings na 'yan. Hay nako!
Wala bang araw na hindi ako mase-stress sa first week ko? Nakakaloka ha.
"Totoo yung tungkol sa Mama niya kaya ganiyan 'yang ugali niya. Hindi mo pa kasi nakikita yung totoo niyang ugali e!" Singhap niya saakin kaya nakakunot ang noo kong tumingin sakanya.
"Ibig mong sabihin, iba pa yung ugali niya sa ngayon?" Tanong ko. Nyeta. Ang gulo ng Maximilian Porsche na 'yan ah. Pa-special masyado. Badtrip.
"Oo. Gano'n na nga. Kung ngayon medyo kengkoy pa siya ta's ang hilig mang-asar, laging nakangisi, ta's kumakausap ng ibang tao?" He eyed me warily.
"Jusko, swerte ka na n'yan, 'day!" He exclaimed with hearts appearing over his eyes. Grabe. Nagagawa niya pang kiligin sa oras na 'to? Kung sabagay, gwapo nga naman kasi yung lalaking 'yon. Hindi maipagkakaila.
"Pero, tih, 'pag tapos na ang blessing week, hindi mo 'yan siya nakakausap, madalas mag-isa, ang sungit-sungit. Akala mo pinagbagsakan ng langit at lupa. Laging nakasimangot. Laging ang sama ng awra sa paligid." Tapos umiiling-iling pa siya while he leaned back on Ate Clarisse's chair.
Loner naman pala si Kuya. Baka walang kaibigan kaya gan'yan? E, sino ba naman kasing kakaibigan sakanya gayong ganiyan ang ugali niya?
Si Ice. Si Ice lang naman yung pinakakaibigan niya dito e.
Oo nga pala. May isa siyang kaibigan. Napailing ako. Pa'no kaya nakakayanan ni Ice na makasama 'yang si Max?
"Okay, so back to topic tayo tungkol do'n sa new student, tih." Tuloy niya kaya napatingin ako sakanya, naghihintay ng iba niya pang sasabihin.
BINABASA MO ANG
Mr. Sungit and Me (REVISING//EDITING)
Fiksi RemajaIn Porsche University, blessings are given to new students to make them feel welcome, but Chaiira doesn't feel welcome at all! Chaiira Anjali Pendleton, being the feisty girl she is, tries to stop the blessings led by the one and only son and heir o...
