2

1.2K 51 2
                                    

Chapter 2

Unedited...

"Ano ba 'yan! Ang dami pang alikabok!" reklamo ko matapos pahidan ng tisyu paper ang table ng tambayan. "Pakibilisan ang pagma-mop at dito naman ang linisin mo!"

Naupo ako sa sofa at pinagmasdan siyang naglilinis ng sahig.

"Hindi ba't scholar ka lang? Pero napakabarumbado mo. Ano ba ang sinasandalan mo, ha?" maarteng tanong ko pero wala akong narinig na respond mula sa kaniya. "Bingi ka ba?"

Tumigil siya at tumingin sa akin pero wala akong nababasang emosyon sa mga mata.

"Tapos na ako sa paglilinis ng kalat," sabi niya sa malamig na boses. Actually, sinadya kong itapon ang natirang apple juice at spaghetting panis sa sahig dahil alam kong siya ang nakatalaga sa paglilinis sa area na ito.

"Tapos? Di ba sabi ko maalikabok pa?" I rolled my eyes.

"Tapos na ang oras ko, sa susunod na shift na lang 'yan."

"What? Ang sabihin mo, tamad ka lang," sabi ko na tumaas na ang boses. Aba, ginagalit ako nito ah.

"Look, Venella! Fifteen minutes na akong late sa next subject ko," sabi niya.

"And so? It's not my fault kung ba't mabagal kang kumilos!"

"Pasensiya na pero wala akong balak na patulan ang drama mo," sabi niya saka binitbit ang mop.

"Hoy, saan ka pupunta?" sigaw ko nang naglakad siya palapit sa pintuan.
Mabilis na tumakbo ako at hinarangan siya. "Hindi ka lalabas!" madiing sabi ko. "Tapusin mo ang inuutos ko!"

"Tapos na ang oras ko," walang emosyong sagot nito habang sinasalubong ang mga mata ko.

"Ako ang boss mo kaya--"

"You're so annoying!" napipikong sabi niya kaya napanganga ako.

"Excuse me? Ang kapal ng mukha mo para pagsabihan akong annoying! Sino ka ba sa akala mo, ha?"

"Kung wala ka nang sasabihin--"

"Ang kapal mo!" singhal ko habang nakatingala sa kaniya. Ang tangkad e. Ka height yata niya sina Kuya Sky.

"Hindi ako pumapatol sa isip bata," tugon niya at nilagpasan ako.

"Ipapa-kickout kita!" pagbabanta ko kaya napatigil siya sa pagbukas ng pinto at muling humarap sa akin.

"Kung iyon ang nakapagpasaya sa 'yo, go ahead," aniya saka binigyan ako ng bored look bago binuksan ang pinto at lumabas.

"Ugh! Pakyu ka!" sigaw ko saka padabog na bumalik sa sala at pinagsusuntok ang couch para ilabas ang galit. I promise, magbabayad talaga siya sa pagsagot-sagot sa akin!

Bumukas ang pinto at iniluwa si Daddy.

"Oh, ba't ganiyan ang mukha ng princess ko?" nakangiting tanong ni Dad.

Tumayo ako at lumapit sa kaniya saka hinalikan siya sa pisngi.

"Dad?" malambing na tawag ko.

"May hihilingin ka na naman?" tanong niya kaya ngumiti ako. "Kilala na kita, Ven. Alam kong may kailangan ka sa akin."

"Dad? Kasi po, may nang-away sa akin," nakalabing sumbong ko at sinamahan nang kaunting hikbi.

"Sino na naman?"

"Si Silver Swan po," sumbong ko. Actually, I have no idea kung ano ang apelyido niya. I only knew his name.

"Silver swan?" napataas ang kanang kilay ni Dad.

Princess Without a CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon