12

957 40 0
                                    


Chapter 12

Unedited...

Silver POV

"Ouch!" reklamo ko nang kagatin niya ang kamay ko.

"Yan, ang kulit mo kasi!"

"Venella naman, akin na ang kuwentas ko!"

"Sangla natin, wala na tayong pangkain."

"Bullshit!" naiinis na sabi ko at bumalik sa kuwarto. Alas nuwebe na ng gabi pero wala pa talagang balak na matulog o lumayas ang babaeng to.

Kinuha ko ang mga damit sa closet at pinili ang mga mahalaga saka inilagay sa malaking maleta.

"Saan ka pupunta?"

Ipinagpatuloy ko ang ginagawa. Naupo siya sa kama at pinapanood ako.

"Aalis ka?"

"Sa tingin mo may mukha pa akong ihaharap sa Westbridge?" I'm sure na ipapahiya ako ni Luna at ng barkada niya.

"Huwag lang umalis."

"Tigilan mo nga ako!"

"Silver? Gusto kong matupad mo pa rin ang mga pangarap mo," seryoso niyang sabi.

"Sira na nga, 'di ba?"

"Huwag kang umuwi, please," pakiusap niya.

"Why, Venella?"

"Wala na kasi akong kasama. Walang mag-aalaga sa akin kapag magkasakit ako," sabi niya. "Para sa pamilya mo, tiisin mo ang lahat. Promise, hindi na kita aawayin at hindi na ako magiging pabigat sa 'yo. Tutulong na ako sa gawaing bahay."

Napatitig ako sa kaniya. Hindi ko nakikita ang mataray na Venella sa kaniya.

"Sorry ha. Nadala lang ako sa bugso ng damdamin na makaganti kay Luna kaya nadamay ka," paumanhin niya kaya napahilamos ako sa mukha. "Bakit mo nagustuhan si Luna?"

"Do I have to answer that?" Nahiga ako sa kama.

"It's up to you."

"Maganda siya. She saved my life. She's the girl na hindi mapagmataas at ang kaisa-isang mayaman na lumapit sa akin para makipagkaibigan kahit na madumi ako," sagot ko at sinariwa ang una naming pagkikita ni Luna.

"Kapag hindi ka niya kinaibigan, hindi mo ba siya magugustuhan?"

"Depende," sagot ko. "Pero sa tingin ko, magugustuhan ko pa rin siya dahil mabuti siyang tao."

Tumahimik siya kaya napasulyap ako sa kaniya.

"Ikaw Venella? Bakit galit ka sa mga pulubi?"

Pinagmasdan muna niya ako ng ilang segundo bago magsalita. "When I was young, I met a boy. I liked him, so I helped him, pero ipinagpalit niya ako sa iba," malungkot na sagot niya.

"Saan na siya ngayon?"

Matagal na hindi siya nakasagot.

"Ikinasal sa iba," naiiyak na sagot niya. "My family helped him, pinakain, binihisan at pinaaral pero kahit anong gawin ko, hindi niya ako nagustuhan. Lahat ng tao, ayaw sa amin dahil he's older than me. Nakakabatang kapatid lang daw ang turing niya sa akin. Sabi nila, puppy love lang iyon, but alam ko ang totoo, mahal ko na si Kuya."

"Kaya galit ka sa mga pulubi?"

"Siguro," sagot niya at ngumiti. "Huwag kang umuwi, tapusin mo ang pag-aaral mo."

"Pag-isipan ko," sagot ko.

"Sorry kung naging makulit ako," paumanhin niya saka inabot sa akin ang necklace.

Princess Without a CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon