32

1.5K 62 0
                                    


Chapter 32

UNEDITED...

Nagising siya sa amoy ng bawang. Bumangon siya nang makapang wala na si Silver sa tabi niya.

Pumunta siya sa kusina at naghilamos.

"Niluluto mo?" tanong niya.

"Sangag," sagot ni Silver at pinagmasdan si Venella na naka-oversized tshirt lang kaya ang cute nito tingnan lalo na't medyo magulo pa ang buhok niya.

"Alam kong hindi ako maganda kaya lumipat ka na ng bahay!" naiinis na sabi ng dalaga saka inirapan si Silver.

"Maupo ka na, luto na 'tong sinangang ko," sabi ni Silver at sinundan ang dalagang tinalikuran siya at pumunta sa CR.

Nang nailipat sa malaking plato ang sinangag, inihanda na niya ang breakfast nila. Nagtimpla siya ng gatas at inilapag sa harap ni Venella.

"Morning sickness?" tanong ni Silver at naupo sa harapan ng dalaga saka patay-malisyang naglagay ng kanin sa plato niya.

Pritong tuyo at laswa ang ulam nila.

"Magsabaw ka. May bagong sinaing kung ayaw mo ng sinangag, Ven."

"Ano 'to? Pambawi ng kasalanan?" tanong ni Venella.

"Lagi naman akong nagluluto ah," depensa ng binata.

Ilang araw na siyang lumalabas ng bahay para magpalipas ng oras at ilang beses na rin siyang tumungo kina Isko tapos pumunta pa sila sa bayan kaya hindi niya napapansin ang ginagawa ni Venella sa bahay nila.

"Eh 'di--" Napatutop siya sa bibig pero nang mapansing nakatitig si Silver ay inayos niya ang sarili at sinimulang kumain.

"I'm sorry," mahinang paumanhin ng binata.

"S-Sorry saan?"

"Kasi masyado akong busy lately at hindi na kita naasikaso," sagot niya.

"Kumain na tayo," sabi ni Venella.

"Ven?"

"Hmm?"

"Sana huwag mo akong iwan," mahinang sabi ni Silver.

"Si Luna, buntis siya."

"At hindi ako ang ama!" may diing tanggi ni Silver. "Maniwala ka, hindi talaga ako ang ama. Handa akong makulong pero hindi ko siya papakasalan hanggat hindi mapa DNA ang bata."

"Bakit nandito siya?"

"Hindi ko alam. Pero gusto niyang ipaako sa akin ang bata," sagot niya at naikuyom ang kamao. Baka noong wala pa si Venella, kaya niyang akuin ang bata pero hindi na ngayon. "Alam kong malaki ang utang na loob ko kay Luna at hindi masusuklian iyon ng kahit na ano mang bagay pero may sarili akong buhay. Nakukulong ako sa utang na loob na hindi ko naman ginusto. Sana pinabayaan na lang niya ako noon."

"Siya ba, minahal mo siya?"

Napabuntonghininga ang binata.

"Minahal noon pero hindi na ngayon."

"Pero kailangan niya ang tulong mo."

"Ven naman," desperadong wika niya. "Ikaw na ang mahal ko at mas kailangan mo ako ngayon."

"Si Luna na lang kasi. Tutal minahal mo siya. Okay lang naman sa akin," seryosong sabi ni Venella at nakipagtitigan kay Silver. Paunti-unting naging isang linya na lang ang kilay nito.

"Tama na, Ven! Si Luna, minahal ko siya at pinrotektahan ng mahabang panahon pero kahit na wala kang tinulong sa buhay ko at puro pasakit, minahal kita, Ven. I will protect you kahit na wala akong utang na loob sa 'yo. Ipaglaban kita kasi mahal kita! Tandaan mo 'yan. Mahal kita. Mahal na mahal kita, Venella!"

Princess Without a CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon