8

875 32 1
                                    


Chapter 8

Unedited...

Venella POV

"Grabe, ang ganda ng shoes ni Luna," tili ng babae kaya napatingin ako sa tinitingnan nila.

"Luna? Mabuti at nakabili ka niyan, 'di ba paubos na 'yan?" tanong ng kaibigan niya.

"Pinabili ko kay Dad," sagot niya.

"Excuse me, tabi!" singhal ko kaya nagsitabi silang lahat.  I flipped my hair tapos taas noong naglakad sa hallway.

"Oh my gosh!"

"Wow!"

"Iba talaga kapag rich ka!"

Yan lang naman ang naririnig ko sa paligid kaya napangiti ako nang magtapat kami ni Venella.

Black shoes Gucci sa kaniya, at gold diamond dream stileto by Stuart Weitzman naman ang sa akin. Take note, latest and limited edition lang 'to and exclusive for hollywood actresses lang ito kaya nganga silang lahat.

"Hi, Luna," bati ko at matamis na nginitian siya. "How was your Friday night? Full of happiness ba?"

Napataas ang kanang kilay niya kaya gusto kong matawa. Siyempre alam kong hindi siya naka-score kay Silver. Sorry na lang siya. Paano pa kaya kapag hindi nalaman niyang may scandal ako sa cellphone niya? E di pahiya siya.

"Okay naman," nakangiti niyang sagot. "By the way, Venella, sali ka sa pageant ha. Search for Westbridge princess."

Lahat sila ay natahimik at halatang hinihintay ang sagot ko. Taon-taon, may search dito sa Wetsbridge at lahat ay umaasang mapili at manalo. Malaki nga naman ang prize at karangalan na rin.

At maugong ang pangalan ng bruhang Luna na siya raw ang mananalo.

"Sure," sagot ko. Okay na rin dahil mula sa ibang bansa ang judges kaya patas ang laban.

"Asahan kita, make it a good and close fight," sabi niya.

"I will," puno ng kumpiyansang sagot ko.

"If you can," pabulong na sabi niya saka nilagpasan ako. Hinahamon talaga ako ng bruhang 'to ah.

"Ayos! Mukhang maganda ang laban ngayong taon," excited na sabi ng isa sa mga seniors.

"Wait and see," sabi ko saka parang reyna kung maglakad sa hallway. Why? 'Cause I am wearing the most expensive shoes in the world. Hmm? Nasaan na kaya si Silver? Two days din siyang hindi umuwi at ubos na ang pera ko. Saan kaya siya nag-weekend? Baka kay Luna? The hell O care? Bahala siya.

Nang makapasok ako sa classroom, sa akin ang mga mata nila. No, sa shoes ko pala.

Nagsimula ang klase at isa sa mga pinagpasalamat ko dahil iba ang kurso ni Luna. Accountancy siya at ako naman ay BSBA.

Ayun, natapos ang buong araw na klase at umuwi na ako sa bahay namin. Siyempre nag-taxi ako dahil bawal na raw gumamit ng sasakyan sabi ni Dad. Sinubukan kong mag-withdraw kanina pero walang laman ang ATM ko. Zero balance. At isang libo na lang ang pera ko sa pitaka. Itobg shoes ko ay bigay lang 'to ni Ate Mandy kahapon. Gosh, ang poor ko na.

Pagdating sa bahay, nasa bakuran na ang motorsiklo ni Silver kaya pumasok na ako. May duplicate ako ng susi dahil wala siyang choice kundi magbigay sa akin dahil ikakalat ko talaga ang video nila kapag hindi siya sumunod.

Inilapag ko sa sofa ang LV bag ko saka pumasok sa kuwarto niya. Mag-uusap kami dahil wala na akong pera.

"Silver?" tawag ko nang makapasok.

Princess Without a CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon