21

1.4K 48 1
                                    


Chapter 21

Unedited...

"Matulog na tayo," yaya ni Silver kay Venella na pinagmamasdan ang mga lamok na paunti-unting nalalagas ang maliliit na pakpak dahil lumalapit sa apoy ng ilaw nilang gawa sa tela, bote at gas.

"Sina nanay?" tanong ni Venella.

"Tulog na," sagot ni Silver. Kakatapos niya lang ayusin ang banig na higaan nila ng dalaga. Makapal na kurtina lang din ang pagitan nila ng mga magulang.

Tumango si Venella at pumasok sa kulambong nakatali sa kabilaang haligi at nahiga malapit sa dingding kaya pinatay na ni Silver ang lampara at nahiga sa tabi ng dalaga. Tig-iisa silang kumot at tig dalawang unan.

Walang electric fan at kuryente pero sobrang ginaw kaya nagtalukbong ang dalaga. Masakit sa likod dahil walang foam pero wala siyang karapatang magreklamo. Lowbat na rin siya kaya hindi na siya makakagamit ng cellphone.

Naririnig niya ang mahihinang hilik ng mga magulang ni Silver. Pinakiramdaman niya ang binata. Hindi ito gumagalaw o umiimik. Madilim din ang paligid dahil walang buwan at tanging huni ng mga insekto ang naririnig niya.

Umusod siya hanggang sa maramdaman niya ang katawan ni Silver.

"Tulog na ba talaga sila?" mahinang bulong niya after niyang ibaba ang kumot hanggang sa bewang niya.

"Tulog ka na rin," sabi ni Silver kaya pumikit si Venella. Hindi na siya umusod pa palayo kay Silver pero kapagkuwa'y muli siyang dumilat. Masyado pang maaga para dalawin siya ng antok pero wala naman siyang gagawin.

Nag-isip siya nang kung anu-ano hanggang sa marinig niya ang pahinang paghilik ni Silver.

Napabuntonghininga si Venella. Alas 8 pa lang ng gabi at kapag nasa Maynila siya, nag-iinternet siya ng ganitong oras o kaya ay nag-aayos patungo sa bar.

"Matulog ka na," sabi ni Silver nang magising dahil sa paggalaw ni Venella.

"Hindi pa ako inaantok," bulong ng dalaga.

Naramdaman niya ang mainit na palad ni Silver na humaplos sa pisngi niya pababa sa baba. Pinisil nito ang baba niya at bahagyang itinaas para tumingala siya.

"A-Anong--"

Bago pa man natapos ang itatanong niya, sakop na ng mainit na mga labi ni Silver ang mga labi niya. Dampi lang hanggang sa naging banayad na gumalaw ang ibabang labi nito na animo'y tinitikman muna ang katas ng ibabang labi niya. Hindi siya makagalaw lalo na nang idiin ni Silver ang mga labi nito sa kaniya. Kusang kumibot ang mga labi niya para tugunin ang mga halik ng binata. Kulang man sa karanasan pero sinusubukan niyang huwag ma disappoint ang binata. Amoy toothpaste pa ito.

Hindi niya intensiyon na umabot sila sa halikan. Balak lang talaga niyang bigyan ng smack kiss ang dalaga para matulog na pero nang maglapat ang mga labi nila, hindi na niya nabawi pa lalo na't walang pagpigil mula sa dalaga hanggang sa tumugon ito. Hinawakan niya ang batok ni Venella nang makapasok ang dila niya sa mainit nitong mga labi. He deepened the kiss and sipped her tongue.

"Hmmmp..." mahinang ungol ni Venella sabay haplos sa malapad niyang dibdib na nagpagising sa pagkalalaki niya.

"F-Fuck!" mahinang pagmumura niya nang iniwan ang mga labi ni Venella at bumaba sa nakataas nitong blusa. Yumuko siya para angkinin ang maliit pero malambot nitong dibdib. Wala siyang nakikita pero sapat na ang amoy vanilla at lambot ng katawan ng dalaga para magising ang diwa at alaga niya. For Pete's sake, lalaki lang siya.

"S-Silver uhmp..." bulong ni Venella sabay ungol nang maramdaman ang pagsipsip ng binata sa kanang nipple niya. Medyo masakit pero nakikiliti siya. Gusto niyang gumalaw pero natatakot siya na baka magising ang mga magulang nito.

Princess Without a CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon