19

1.1K 45 0
                                    




Chapter 19

Unedited...

"'Di ba dilis din ang ulam natin kahapon?" tanong ni Venella nang maupo.

"Sa tambayan na ninyo ikaw kumain kung ayaw mo," sagot ng binata.

"Hmm? Nagugutom na ako e."

"Mag-asin ka."

"Okay lang pala 'to. Kahapon sinawsaw natin sa suka at kamatis, ngayon naman ay hinaluan mo ng itlog kaya okay lang," sabi ni Venella at kumain. Napansin niyang patapos na si Silver.

"Sabay ako mamaya ha. Wait mo 'ko."

Napatingin siya sa P50 na inilapag ni Silver.

"Magjeep ka."

"Gusto kong sumabay."

"Nagmamadali ako," ani Silver na binilisan ang pagkain.

"Hmm? Iwan mo 'ko? Di ba crush mo 'ko?" nakalabing tanong ng dalaga kaya muntik nang mabulunan si Silver. "Di ba? Inamin mong gusto mo na ako?"

"Wala akong sinabing ganun!" tanggi ng binata.

"Meron kaya."

"Wala."

"Meron. Meron. Meron. Meron!" giit ni Venella.

"Nagbago na," ani Silver saka tumayo at tumungo sa kuwarto para magpalit ng damit. Binilisan ni Venella ang pagkain at nagpalit na rin ng damit pero paglabas niya, wala na si Silver.

"Hmm? Kainis siya!" bulong niya. Baka hindi naman totoo na gusto siya ni Silver. Baka nasabi lang nun na gusto siya kasi naghalikan sila. "Mga user talaga ang mga lalaki!" bulong niya saka lumabas sa gate at isinara.

"Tagal mo!"

Muntik na siyang mapatalon nang pagharap niya ay nasa motor na si Silver na mukhang naiinip na sa paghihintay sa kaniya.

"Akala ko umalis ka na," nakalabing sabi ni Venella saka nilapitan ang binata at kinuha ang isang helmet saka sumampa sa likuran ng motor.

"Mabilis akong magpatakbo, late na tayo," paalala ni Silver.

"Keri lang," ani Venella saka yumakap sa bewang ni Silver.

"Huwag mong higpitan, kung anu-ano na ang issue sa atin eh," paalala ng binata pero isinubsob ni Venella ang mukha sa likuran niya.

"I'm ready,"
sabi ni Venella at inamoy ang binata. Im fairness, mabango ito.

"Kapit," sabi ni Silver saka pinaharurot ang motor hanggang sa nakarating sila sa school campus.

Agad na bumaba si Venella at hinubad ang helmet.

"Hindi ka ba nahilo?" usisa ni Silver. Ngumiti si Venella at inabot sa kaniya ang helmet.

"I told you, I'm ready," ani Venella at matamis na ngumiti kay Silver. "See you mamaya sa bahay."

"Susunduin ka ba niya?" pahabol ni Silver kaya tumigil si Venella at hinarap siya kaya iniwas niya ang mga mata. Mali yata ang natanong niya.

"Sabi niya kagabi, gusto niya akong makausap ngayon."

"Ah, sunduin ka nga niya."

"Baka."

Napabuntonghininga si Silver. Kung sabagay, childhood sweetheart 'yon ni Venella. Pinagmasdan niya ang dalagang naglalakad palayo sa kaniya. Hindi maikailang iniiwasan ito ng iilan at pinag-uusapan.

Inayos niya ang helmet sa motor at naglakad papunta sa classroom nila. Pagpasok niya, dumiretso siya sa upuan niya. Mukhang iniiwasan na rin siya ng mga kaibigan. Dapat umpisa pa lang, alam na niyang hindi siya nabibilang sa grupo ng mayayaman.

Princess Without a CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon