14

985 36 1
                                    


Chapter 14

Unedited...

Venella POV

Paggising ko, napatayo ako. Alas otso na pala ng umaga kaya patakbong pumunta ako sa bathroom saka naligo. Mamayang alas sais ang start ng pageant kaya kailangan ko pang ayusin ang lahat pati ang makeup artist ko.

Nagbibihis ako nang tumunog ang cellphone ko.

"Ate Mandy," bungad ko habang nagsusuot ng bra ang isa kong kamay.

"Saan ka?"

"Sa bahay pa."

"Kailan ka pupunta sa school? Ready ka na ba? Ano ang talent mo?"

"O-Okay lang ako," alanganing sagot ko. Kakanta ako mamaya and I think okay na ang lahat. Si Florida ang umayos ng lahat. Nag-offer sina Kuya Sky at Grey na tutulungan nila ako sa talent ko kahit back-up singer lang pero tumanggi ako. Ayaw kong manalo nang dahil sa tulong nila. It's time na lumaban ako na hindi dala ang pamilya. This is the perfect time para patunayang kaya ko kahit na hindi ko dala ang buong angkan.

"Are you sure? Mukhang hindi."

"Ate Mandy, kaya ko," sabi ko. Hindi na ako bata para i-supervise pa nila.

"Sabi mo e. Basta huwag mo kaming ipahiya ha. Ilampaso mo ang Luna na iyon, okay?" nanggigigil na sabi niya.

"I'll try my best po," determinadong sabi ko.

"May tiwala ako sa 'yo, Ven, kaya mo 'yan!"

"Thank you, Ate Mandy," pasalamat ko.

Naka-ready na ang mga gamit ko kaya kinuha ko ang maleta nang makabihis ako. May final blocking pa kami ngayong umaga kaya nagmamadaling lumabas ako sa gate at sumakay sa taxi.

Pagdating sa school, agad kong iniwan ang maleta sa tambayan at dumiretso sa gymanasium. May mga nag-aayos na ng upuan at stage. Halos nandito na rin ang lahat kaya nagsimula na ang practice.

As usual, wala akong kausap habang sila ay masayang nag-uusap. Mula sa production number hanggang sa swimwear ang pinractice namin saka tinapos na kaagad para makapagpahinga pa at ayos.

Bumalik ako sa tambayan at natulog ulit. Nang katukin ako ng makeup artist, bumangon na ako at naligo saka pumunta sa dresser na nasa likod ng gymnasium at nagpaayos sa kanila.

Tinawagan ko si Florida pero hindi siya sumasagot. Nag-text lang siya na papunta na.

"Okay na ba?" nag-aalalang tanong ng makeup artist.

"Kaya ka kinuha nina Ate Mandy kasi may tiwala sila sa 'yo. Mas mataas ang taste nila kesa sa akin kaya sa tingin ko, hindi na ninyo kailangan ang opinion ko," sagot ko na nagustuhan naman ang gawa nila.

"Minsan kasi ayaw nila ng pag-aayos namin," sabat ng babae nitong kasama.

"If they can trust you, why can't I?" nakangiting tanong ko at napasulyap sa wallclock. Alas kuwatro na ng hapon.

"Saan dito ang gusto mong isuot?" tanong ng baklang makeup artist matapos niyang buksan ang malaking jewelry box ko.

"Heto na lang kaya, ang ganda," manghang sabi niya habang hawak ang diamond necklace.

"H-Huwag 'yan," sabi ko saka inagaw ang mamahaling necklace. "Iba na lang."

Inabot ko ang silver pouch saka tinago ang necklace na iniregalo sa akin ni Tita Hael noong bata pa ako.

Ayun, inayos na nila ang lahat ng damit at jewelries pati shoes na isusuot ko.

"Guys? Be ready. In thirty minutes, magsisimula na raw tayo," sabi ng bakla nang pumasok.

Princess Without a CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon