35

1.5K 55 5
                                    

Chapter 35

UNEDITED...

Iyak nang iyak si Venella.

"Huwag ka nang umiyak, makakasama sa baby 'yan," malumanay na pakiusap ni Venella habang hinahagod ang likod ng anak.

"S-Si Silver kasi," humagagulgol na sabi niya. Hanggang ngayon, nasa diwa pa rin niya ang nagmamakaawang mukha ng kasintahan.

"Tahan na nga. Kapag may masamang mangyari sa apo ko, sige ka..." pananakot ni Kevin kaya medyo kumalma si Venella at kinuha ang supot na may mga vitamins niya.

"S-Sana okay lang si Silver," sabi niya.

"Malakas pa siya pero ikaw, mahina. Kailangan mong kumain ng masustansiya at palagi kang magpa-check-up. Huwag ka ring mag-skip sa vitamins mo!" naiinis na sabi ni Kevin. Medyo nagseselos siya. Hindi na ito baby at sooner, magiging ilaw na ng tahanan.

"D-Dad? B-Balikan naman natin si Silver oh," pakiusap niya at pinahidan ang mga luha. "B-Baka magwala siya."

"Ang tigas ng ulo mo, Ven. Puwede bang ngayon, sundin mo naman kami? Magpahinga ka na."

"P-Pero--"

"Pack your things!" galit na utos ni Kevin.

"D-Dad..." bigla siyang natakot.

"Kung hindi mo susundin ang gusto ko, dadalhin kita sa ibang bansa!"

"N-No!" natarantang sabi ni Venella. "Y-You're g-going to kill us, Dad."

"Then stop crying!"

Napakagat siya sa ibabang labi at napapikit para matigil na ang pag-iyak pero nasa kay Silver talaga ang utak niya.

"H-Hindi mo kami mapaghiwalay," mahinang usal niya na sa ama nakatingin.

"I know," pagsuko ni Kevin.

------------------

Walang imik na sumakay siya sa dyip. Ayaw pa niyang umuwi. Gusto niyang magpalipas-oras at lasing kaya dumaan muna siya sa bayan at kahit na tirik ang araw, uminom siya ng red horse sa karenderya. Wala na si Venella. Kinuha na nito matapos niyang matutunang mahalin. Life is so unfair. Kung kailan masaya na sana sila, saka naman binawi sa kaniya.

Dinukot niya ang necklace at tinitigan habang nakatungga. Ito na naman siya. Pariwara ang buhay nang dahil sa babae.

Tumunog ang cellphone niya kaya dinukot niya. Kanina pa may tumatawag sa kaniya pero hinayaan lang niyang mag-ring.

Si Isko ang tumatawag pero hindi niya sinagot sa halip, binasa niya ang text messages. Pinapauwi siya ng tatay niya. Emergency raw kaya napatayo siya. Hindi susugod ang ama niya sa bahay nina Isko kung hindi mahalaga. Bigla siyang kinabahan nang sumagi sa isip niya ang ina. Highblood pa naman ito.

Binayaran niya ang nainom at agad na nag-arkila ng single na motor saka umuwi.  Lakad-takbo na ang ginagawa niya sa ilog para makarating lang sa bahay. Kailangan siya ni Venella pero mas kailangan siya ng mga magulang ngayon.

"Fuck!" reklamo niya nang mapatid ng nakausling bato. "Ugh! Bakit ganito?" gigil na sabi niya. Parang gusto na lang niya magpatianod sa rumaragasang tubig. Konting tiis na lang, makakarating na siya sa bahay nila.

Naikuyom niya ang kamao. Magsusumikap siya sa buhay! Balang araw, magiging successful siya at kukunin niya ang mag-ina niya. Huwag lang talaga nilang ipakasal si Venella sa iba o huwag ma-inlove ang dalaga sa iba.

Pinahidan niya ang mainit na likidong tumutulo mula sa mga mata niya sa naisip. Hindi niya makakayang makitang may ibang pamilya si Venella. Never.

"Diputa!" sigaw niya na umalingawngaw sa buong ilog. Naiinis siya. Masama man pero nagtatampo siya sa Itaas dahil ito ang naging kapalaran niya, ang maging mahirap. Galit siya sa mga Villafuerte. Matapos nitong ipamigay si Venella, ganoon lang nila kadaling bawiin?

Princess Without a CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon