23

1.6K 54 1
                                    

Chapter 23

Unedited...

Nakadungaw siya sa bintana at pinagmasdan si Silver na nagbibiyak ng niyog para may panggata sila sa kalabasang hahaluan ni Nanay Nene ng alimangong nahuli ni Tatay Toto sa gilid ng sapa kanina.

"Hija? Hindi ka ba nalulungkot dito?" tanong ni Nanay Nene na tumabi sa kaniya.

"Ho? Hindi naman po," magalang na sagot ng dalaga.

"Kasi wala kaming TV at radyong de-baterya lang ang nandito."

"Walang problema po," sagot ni Venella at napangiwi nang makaramdam ng hapdi sa pagkababae. Ilang oras na silang nakatapos ni Silver pero pakiramdam niya, nakasalsal pa rin ang pagkalalaki nito sa kaniya.

"Pasensiya ka na sa bahay namin."

"Walang problema po," sagot niya at nginitian ang matanda. "Salamat po sa pagtanggap sa akin kahit na wala akong alam sa gawaing bahay at hindi marunong magtanim ng gulay."

Tumawa ang ginang at tinapik siya sa balikat.

"Alam kong hindi ito ang pangarap ng anak ko para sa 'yo."

"H-Ha?" nagtatakang tanong niya.

Narinig niya ang pagpakawala ng malalim na buntonghininga ng matanda.

"Si Silver, bata pa lang 'yan, mataas na ang pangarap kaya nagsusumikap. Ayaw niya dito. Mas gusto niyang sa ciudad manirahan lalo na ang magiging pamilya niya," malungkot na pagkukuwento nito habang pinagmasdan ang anak na kumakayod na ng niyog sa ilalim ng punong mangga. "Sabi niya noon, magsusumikap siya para hindi na kami magtatrabaho rito sa bukirin."

Naalala ni Venella ang pagsusumikap ni Silver sa Maynila. Nagtatrabaho pa ito sa bar kapag may extra time para may ipadala sa mga magulang.

"Di po ba, nasa Maynila kayo noon? Paano po kayo napunta dito?" curious na tanong niya.

"Naikuwento pala sa 'yo ni Silver?"

"P-Pahapyaw lang po."

"Dating nasa squatter kami. Pinalayas kami noon dahil pina-demolish ang tinitirhan namin kaya isang linggo kaming pagala-gala sa lansangan. Buti na lang dahil may kakilala si Toto na mauutangan kaya nakauwi kami dito at natanggap na rin kami ng mga magulang namin," pagkukuwento niya. "Nagtanan lang kasi kami ni Toto noon dahil sa iba sana ako ipapakasal ng aking mga magulang at sa Maynila na nga kami napadpad."

Napatango si Venella. Iyon siguro ang panahong nakita niya si Silver na inaapoy ng lagnat.

"May mga damit pa ako noong dalaga ako. Kasya pa 'yon sa 'yo kaya isuot mo na. Magkasing katawan lang tayo noong kabataan ko."

"Salamat po."

"Sa karton lang, hija," sabi ni Nanay Nene at iniwan muna ang dalaga para tingnan ang sinaing.

Bumaba si Venella at pinuntahan si Silver na ngayon ay nakatitig na sa pendant na hawak.

Tinago nito nang makita siyang palapit.

"Hi, tapos ka na?" tanong ng dalaga.

"Nagugutom ka na?" tanong ni Silver.

Naupo si Venella sa tabi niya at umiling.

"Hindi pa."

Namayani ang katahimikan sa kanila. Napasulyap si Silver kay Venella na tila malalim ang iniisip. Kani-kanina lang, nakuha niya ang pagkababae nito. Hindi niya inaasahang siya ang makauna kay Venella. Sa pagkabaliw nito kay Richard, iniisip niyang naisuko na nito ang bandera sa lalaki pero nagkamali siya dahil siya pa ang nakauna.

Princess Without a CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon