15

1.1K 41 0
                                    



Chapter 15

Unedited...

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko nang tinawag ako ng kasama ko.

"Gusto ko lang masiguradong nagtatrabaho ka," sagot ni Venella.

"Dapat natutulog ka na sa ganitong oras," sabi ko. Alas onse na ng gabi at padami na rin ang customer namin.

Kinuha niya ang menu list at tumingin sa mga pagkain.

"Hmm? Gusto ko ng crabs and ice cream," sabi niya.

"May trabaho pa ako, Venella."

"Customer ako," aniya. "Puwede kitang ireklamo."

"Your order, ma'am?" magalang na tanong ko. Ngumiti siya.

"Hmm? Mango cheesecake ice cream," sagot niya.

"Okay, anything?"

"Nothing," sagot niya sabay iling.

Tumalikod na ako at ibinigay ang order niya sa kasamahan namin.

"Dude, ikaw na lang ang magbigay sa kaniya," pakiusap ko.

"Areglado!" masiglang sabi niya.

Salamat sa kaibigan ko at pinapasok niya ako rito bilang partime. Kailangan ko ng extra na pagkakitaan lalo na't wala na akong savings at dagdagan pa ni Venella na mayaman naman pero sa akin siya nagpapabigat.

Habang inaasikaso ang ibang customer, napapasulyap ako sa kaniya. Noong isang gabi lang siyang natalo sa beauty contest pero parang balewala lang sa kaniya ang nangyari.

Sarap na sarap siya sa ice cream kaya napailing na lang ako. Kahapon pa niya ako kinukulit sa lintik na ice cream na 'yan pero Selecta lang ang ibinigay ko sa kaniya. Saan kaya siya kumuha ng pera? Well, mayaman naman sila at marami siyang puwedeng mapag-uutangan.

"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko nang mapadaan ako sa kaniya.

Umiling siya. "Hintayin kita."

"Ven, hanggang two A.M pa ako," sabi ko.

"Wala naman akong gagawin sa bahay natin. Isa pa, natatakot akong pasukin ng masasamang tao," sagot niya. Uso ang akyat-bahay gang sa lugar namin kaya double ingat ang kapitbahay namin at dinagdagan ang security guards.

Hinayaan ko lang siya at ipinagpatuloy ang ginagawa.

"Girlfriend mo?" tanong ni Joshua.

"Hindi ah," tanggi ko at napasulyap kay Venella na nakatulog na at mga kamay ang ginawang unan.

"Sus, alam kong habulin ka ng babae kaya huwag ka nang mag-deny, magkasing pogi lang naman tayo," sabi ni Joshua kaya natawa ako. Unlike me, hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo dahil may sakit daw ang kapatid niya.

Pagkatapos ng shift ko, ginising ko na si Venella na nakahiga sa couch.

"Uwi n tayo," yaya ko kaya tumayo siya kahit na inaantok pa.

"Kumain ka na ba?"

"Sa bahay na. Tara, uwi na tayo."

Tahimik na sumunod siya bibit ang pouch. Buti na lang dahil nakapantalon siya kaya walang problema kahit umangkas siya sa akin.

"Dati kotse ni Luna gamit mo," aniya nang umangkas sa likod ko. Wala pa naman akong extra helmet kaya inabot ko sa kaniya pero umiling siya.

Malapit na kami sa apartment nang tumigil ako.

"Lugaw muna tayo."

Sinundan niya ako tapos nauna na siyang maupo sa bakanteng table na malapit sa videokan. Buti naman dahil walang kumakanta kaya natihimik.

Princess Without a CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon