33

1.5K 48 0
                                    

Chapter 33

Unedited...

"Ano pa ang hindi mo nasabi?" galit na tanong ni Silver. Nakapasok na sila sa bahay at hanggang ngayon, lumilipad pa rin ang isip niya.

"Wala na," mahinang sagot ng dalaga.

"Ginawa ninyo akong tanga, Venella!" sumbat nito. "Kayong dalawa ni Luna! Anong pakiramdam na pinaikot ninyo ako?"

"H-Hindi ko--"

"Since I was young, I believed those stupid lies! I protected a wrong woman! Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin iyon?" Naikuyom niya ang kamao. "Pinaikot ninyo ako. Alam mo na hindi si Luna ang nagligtas sa akin pero wala kang ginawa! Bakit, Venella?"

"H-Hindi ko alam na ikaw 'yon kung hindi ko nakita ang kuwentas ko sa 'yo."

"Matagal mo nang nakita iyon pero bakit wala kang ginawa?" singhal niya. Kaya pala pinipilit nitong kunin at nakawin ang kuwentas sa kaniya, siya naman pala talaga ang nagmamay-ari nun.

"D-Dahil galit ako sa 'yo! Galit ako sa inyo ni Luna! Oo, gusto kong habambuhay na maniwala ka sa kamalian para mamatay kang tanga!" pag-amin ni Venella. "Isa pa, hindi ka naman maniniwala sa akin e."

"You have proofs, Ven! Hindi ako ganoon ka tanga para hindi ka paniwalaan! I'm sure there is!"

Hindi nakaimik ang dalaga.

"Wala kang balak na aminin, right?"

"M-Meron. H-Hindi ko lang maamin k-kasi--" Naiiyak na siya. Akala niya magiging okay ang lahat pero heto si Silver, galit na galit sa kaniya. "M-Mahal na kita."

"Mahal mo 'ko? Mahal mo ako pero ginawa mo akong tanga?" hindi makapaniwalang tanong ng binata.

"K-Kasi ayaw kong mahalin m-mo 'ko at lumapit ka lang sa akin dahil m-may utang na loob ka sa akin," mahinang depensa ng dalaga habang nakayuko sa silya. Ayaw niyang tumingala sa binatang nakatayo sa harapan niya dahil natatakot siya.

"Minahal kita kasi mahal kita! Hindi mo ba nararamdaman iyon?" ani Silver saka napahilamos sa mukha galit ang kanang kamay saka namewang. "Ano pa ba ang gusto mo g patunay?"

Hinintay niyang sumagot si Venella pero wala kaya iniwan niya ito at tumungo sa kabilang bahay.

"S-Silver--" ani Luna at tumayo nang pumasok ang binata.

"Umuwi ka na!" mahina pero madiing sabi ni Silver.

"Hindi ko sinadya. Ako talaga ang nagligtas--"

"Tama nang pagsinungaling, Luna!" salubong ang kilay na sabi niya. "Umuwi ka na at hanapin mo ang tunay na ama niyang dinadala mo dahil kahit patayin mo ako ngayon, hinding-hindi kita pananagutan!"

"Silver--kyah!"

Napatili si Luna nang masira ang mesang sa harapan niya nang malakas itong sinuntok ni Silver.

"U-Umuwi ka na dahil baka mapatay pa kita!" nagbabaga ang mga matang sabi ni Silver.

Napaatras si Luna at nanayo ang balahibo dahil sa sobrang lamig ng boses ni Silver. Hindi pa niya nakita itong galit kaya nakakapanibago. Parang hindi ito ang Silver na nakilala niya noon.

"Akala mo ang yaman mo?" aniya at tinapangan ang boses. "Ang hirap, hirap mo! Yuck! Para kang basura! Hindi ko alam kung ba't ako naghabol sa isang dukhang kagaya mo! Bagay nga kayo ni Venella, mga punyeta! Sana mamatay--ack!"

Napaatras siya nang sakalin siya ni Silver at idinikit sa dingding.

"Umalis ka at huwag na huwag mo nang saktan si Venella!" galit na sabi ni Silver saka puwersahang binitiwan si Luna.

Princess Without a CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon