5

960 39 1
                                    

Chapter 5

Unedited....

"Papuntahin mo ang mga magulang niya at mag-uusap kami," sabi ni Daddy. Nasa dining room siya at namamahinga dahil kakatapos lang niyang kumain ng merienda nang lapitan ko at naupo sa tabi niya.

"Dad? Like, seriously?" bulalas ko sabay hampas ng mga kamay sa ibabaw ng table.

"At bilang ama, ano ang gusto mong gagawin ko? Na hahayaan na lang ang ginawa niya sa 'yo?" madilim ang mukhang sabi ni Daddy.

"Come on, Dad! Walang nangyari, okay? It is just a setup," pagpaliwanag ko. Kaya pala medyo nag-alinlangan akong gawin iyon dahil mahuhuli pala kami ni Daddy. "Believe me, wala talagang nangyari. Ang blood, sinadya ko iyon. Ang--" Nag-isip pa ako ng sasabihin. "Ang naked body, wala iyon. It was my plan para maghigante kina Silver and Lune but nothing happened."

"And sa tingin mo, paniwalaan kita?" seryosong tanong ni Daddy.

"Yes!" matapang na sagot ko 'cause I know I am telling the truth. "You can ask Ate Mandy."

"For what?"

"So that she could explain everything. Siya ang magpapatunay na plano namin ang lahat," sagot ko. Yes, si Ate Mandy ang star witness ko. "Please Dad, give me a chance na patunayan kong wala talagang nangyari sa amin."

Narinig ko ang pagbuntonghininga niya. Hala, problemado na si Dad.

"Isa ka lang na anak ko pero dinaig mo pa ang triplets na anak nina Skyler at Kimberly!" napapagod na sabi niya saka hinilot ang sintido, "Ipatawag mo si Mandy at kakausapin ko."

"Really?" tanong ko saka namilog ang mga mata.

"Papuntahin mo na," sabi ni Dad at tumayo. "Kapag dumating, nasa kuwarto lang ako. I need some rest."

"Sure, Dad!" masiglang sabi ko saka tumakbo sa sala para tawagan si Ate Mandy.

Ayun, sumagot naman si Ate at sinabing papunta na siya. Ang sabi niya, siya raw ang bahala. Well, malaki ang tiwala ko sa kaniya dahil hindi siya marunong magsinungaling. Maldita lang siya pero hindi talaga siya liar.

After 30 minutes, dumating na siya.

"Si Kuya Aron po?" magalang na tanong ko matapos humalik sa kanang pisngi niya.

"Nasa bahay, pagod," sagot niya.

"Ate Mandy? Tulungan mo 'ko kay Daddy, please," pakiusap ko.

"Ako ang bahala," buong kampiyansang sabi niya kaya natuwa ako.

"Halika, sa kuwarto pa po siya. Maghintay lang po tayo, ipapatawag ko siya."

Tinawag ko ang katulong at pinasabihan si Dad na nandito na si Ate Mandy.

"Ate? A-Ayaw maniwala ni Dad na plano lang ang lahat ng nakita niya," naiiyak na sumbong ko.

"Ay, hindi puwede. Dapat maniwala siya sa totoo," disappointed na sabi niya. See? Parehas kami.

"Kaya nga po e," ani ko at tumahimik nang makitang pababa si Daddy.

"Good afternoon, Tito Kevin," bati ni Ate at tumayo saka hinalikan sa kaliwang pisngi si Daddy.

"Maupo ka, Mandy. Mabuti at napasyal ka," nakangiting sabi ni Dad. Ayos, nasa mood siyang makinig kay Ate.

"Pinapatawag mo raw po ako," sagot ni Ate.

"Ate? Pakisabi naman kay Dad na wala naman talagang nangyari sa amin ni Silver. Na plano nating dalawa ang lahat ng nangyari kaninang umaga," pakiusap ko kay Ate. I am 100% sure na kakampihan ako ni Ate Mandy.

Princess Without a CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon