38

1.7K 57 1
                                    

Chapter 38

a/n:

So Bale epilogue na to. Special chapter na lang ang last.

UNEDITED...

"Kyaaaah!" tili ni Venella kaya biglang tayo si Silver sa inuupuan. Sa labas siya ng room dahil ayaw ni Venella na nandoon siya. Dapat daw kasi ito muna ang makakaalam. Six month na ang dinadala nito at medyo nahihirapan maglakad dahil biglang lumubo ang tiyan.

Magpapa-ultrasound sila ngayon para malaman ang gender ng baby nila.
Hindi na niya hinintay na tawagin siya at pumasok  na.

"A-Anong nangyari?" tanong niya at lumapit kay Venella na tulala kaya hinawakan niya sa kamay. "G-Gha?"

"Babae ang anak ninyo," sabi ng nag-ultrousand at ipinakita kay Silver ang ultrasound monitor habang nasa tiyan ni Venella ang gamit niya.

"Oh my ghad!" bulalas ni Venella habang nakatutop sa bibig.

"Okay lang po ba?" excited na tanong ni Silver.

"Okay lang naman sila," sagot nito.

"S-Sila?"

Ngumiti ang doctora.

"Congratulations, triplets sila!" anunsiyo niya.

"W-What?" napalunok siya ng laway. Baka namali lang siya ng pagkakarinig.

"Three babies ang nasa sinapupunan ni Venella," ulit nito.

Natigilan si Silver. Hindi siya makapaniwala. Nanigas yata ang buo niyang katawan at nanlamig.

"T-Triplets," ulit niya na hindi na kumukurap habang ang mga mata ay sa monitor.

Natauhan siya nang umiyak si Venella.

"Ven," agad na sinaklolohan niya ito. Hinawakan niya ang kamay at pinisil saka tinulungang tumayo.

"B-Bakit tatlo? Doc, hindi ko po kaya. N-Natatakot ako," natatakot na sabi ni Venella. Pano kung mapahamak siya sa panganganak?

"Nandito kami na aalalay sa 'yo. Huwag kang mag-alala, hindi ka namin pababayaan. For the meantime, norman naman kayo lahat. Huwag mo lang kainin ang mga bawal para iwas sakit at para hindi ka mahirapan manganak," paalala ng doctor.

"K-Kaya pala malaki ang tiyan niya," sabi ni Silver. Ini-expect na nila na twins pero never sumagi sa isip na triplets. For Pete's sake, bakit si Venella pa?

"Oo. At least isang iri na lang," natatawang sabi ng doctora.

Hinaplos ni Venella ang tiyan at napangiti.

"Magkakaroon ako ng tatlong babies at babae sila," masayang sabi niya. Medyo tanggap na niya. "Matutuwa sina Daddy."

"For sure," sabi ng doctora. Family doctor siya kaya alam niyang sabik sa apo si Kevin.

"Hmm? Ang saya!" sabi ni Venella at napangiti saka tumingala kay Silver na nakatayo. Magiging isang masayang pamilya na sila.

"Thank you po, doc. Uwi na kami," paalam ni Venella. Mabait ang doctor. General doctor ito at the same time, license OB rin.

"Ingat kayo. Huwag kalimutan ang vitamins," anito.

"Yes po."

Inalalayam siya ni Silver palabas.

"K-Kakayanin mo ba, Ven?" puno ng takot na tanong ni Silver habang dahan-dahan silang naglalakad sa hallway.

Tumingala si Venella at nginitian si Silver.

"Oo naman. Gosh, excited na ako."

Gusto niyang matawa. Napaka nerbiyoso kasi ni Silver.

"S-Sure ka?"

Princess Without a CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon