3

999 46 0
                                    

Chapter 3

Unedited...

"E di talo kung talo!" sabi ko.

"Okay lang 'yan, may nextime pa naman," sabi ni Florida kaya natawa ako. Tawang may halong sarcasm.

"Kailan ang nextime? Nextyear? Next century?" tanong ko at nag-cross legs. Nasa tambayan kami dahil kakatapos lang ng school election at si Luna ang nanalo. Landslide raw. Hindi ko naman tiningnan.

"Sige lang, mas maganda ka naman." Pagbibigay niya ng lakas ng loob.

"Matagal na kaya huwag mo nang ipaalala," sabi ko at kinuha ang remote sa center table saka binuksan ang TV. "Congrats dahil nanalo ka."

Ngumiti siya, "Salamat."

Nag-concentrate na ako sa panonood dahil si Kuya Blue pa pala ang bida. Ang pogi talaga ng pinsan ko. Napabuntonghininga ako. Nami-miss ko na sila. Walang nakakaalam kung gaano ako kasaya sa tuwing kasama ko sila. I feel protected. Ang saya kasi nilang kasama.

"Aalis muna ako, pinapatawag kami para sa panunumpa," paalam ni Florida na tumayo pero hindi ako sumagot. Lumabas na siya. Pagkasara ng pinto, saka ko pinatay ang TV at nahiga sa couch saka niyakap ang throw pillow. Mula noon, natatalo ako ni Luna. Never pa yata akong nanalo laban sa kaniya. Isa naman talaga akong talunan e.

"Kalma, Ven, kaya mo 'yan!" determinadong sabi ko. No one can turn me down.

Tumayo ako at inayos ang sarili ko. Sino sila para magpatalo lang ako. Isa akong Villafuerte, pangalawang pamilya na mayaman sa bansa kaya walang sinuman ang puwedeng makakapabagsak sa akin!

Lumabas ako para lumipat sa rooftop para magpahangin.

Habang naglalakad, nakasalubong ko si Silver na may bitbit na bola at naka-basketball uniform pa. May kasama itong mukhang tikbalang na akala ko, siya na ang pinakaguwapong nilalang sa mundo.

"Hey, Venella. Congrats pala sa mga nakuha mong votes. Naka 100 voters ka," nakangising bati ng tikbalang nang malapit na ako sa kanila.

"Are you insulting me?" taas noong tanong ko. Marami pa naman ang tumatambay rito dahil malapit lang sa hagdanan.

"Me? Hindi ah," inosenteng tanong niya sabay turo sa sarili at tumigil.

"Of course you are!" sagot ko na tumaas na ang boses. Gago pala 'to e. Alam naman niyang marami ang populasyon ng Westbridge kaya iniinsulto talaga niya ako.

"Raymond, halika na," sabi ni Silver.

"Wait, dude. Kinakausap ko pa si Venella," pagtutol nito na ayaw pahila kay Silver.

"Ba't hindi ka sumama sa kaibigan mong dukha at walang ginawa kundi kumapit sa mayayaman?" tanong ko at binigyan ng smirk si Silver nang napasulyap siya sa akin.

"Ikaw Venella, magpreno ka sa bunganga mo ha. Kung hindi ka lang babae--" Tikbalang.

"Mond, tama na!" saway ni Silver.

"Umalis na kayong mga dukha at patay-gutom!" pagtataboy ko.

"At sino ka para paalisin kami?" matapang na tanong ni Raymond. Bakla yata 'to e.

"Ako?" tanong ko sabay turo sa sarili. "Ako lang naman ang prinsesa sa paaralang ito!" taas noong tanong ko. "Kaya layas sa daraanan ko!"

"At sino ka para sabihing ikaw ang prinsesa rito?"

Napalingon kami sa sumabat.

"Huwag kang makisali, Luna!" sabi ko.

"Pasensiya na, Venella! Kasintahan ko ang pinapatos mo!" maarteng sabi niya at tumabi kay Silver. "Wala kang karapatan sa paaralang ito dahil sampid ka lang!"

Princess Without a CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon