28

1.5K 65 2
                                    



Chapter 28

Unedited....

Pagdating nila, nagsimula na nga ang laro.

"Dito ka lang, maglalaro lang ako," paalam ni Silver at dumukot ng 50 pesos sa bulsa at inabot sa dalaga. "Kapag may bilhin ka, bumili ka lang."

"Huwag na," inirapan niya ang binata. Gusto kasi niyang ipakita na hindi okay ang lahat sa kanila.

"Baka magutom ka."

"Alis ka na nga!" pagtataboy niya.

"Basta huwag kang umalis. Kapag makita kitang tumayo, lalabas ako sa laro at puntahan ka," pananakot niya saka iniwan ang dalaga at pumunta na sa team niya.

"Pasok ka na. Kanina ka pa namin hinihintay," sabi ng coach nila na mataba. Para itong coach ng Anzai ng Slamdunk kaso wala lang itong salamin at hindi puti ang buhok. Mula noon, ito na ang coach ng kanilang barangay.

"Sub ako kay Noel," sabi niya.

"Sige," sabi niya at humingi ng 30 seconds time-out para ipasok si Silver.

Lamang ang kalaban ng 10 points pero first quarter pa lang naman kaya madali lang habulin kapag hindi malasin ang team nila. Malaki-laki rin kasi ang prize kaya kailangan nilang ipanalo ang laban.

Nang nasa gitna na siya, jump ball ang nangyari at sila ni Tisoy ang magkatapat.

"Mabuti naman at bumalik ka saka dinala mo pa ang pinsan mo," sabi ni Tisoy.

"Asawa ko siya!" pagtatama ni Silver. Kakapasok pa lang niya at heto, iniinis na siya ng hayop na Tisoy.

Pinatigil muna niya ang referee at sumenyas na may sasabihin.

"Boring ang larong 'to," pag-umpisa ni Tisoy. "What if bigyan nating ng thrill?" Humarap siya kay Silver at ngumisi.

"Hmm? Kapag manalo kayo, magdadagdag ako ng fifty thousand at kapag manalo kami, ide-date ko ang jowa mo. Ano, game?" hamon ni Tisoy. "Wala ka naman kasing pera na ipupusta."

Natahimik ang lahat ng tao at nakinig sa usapan nila.

"Tol," bulong ni Isko na malapit nang sumabog sa galit.

"Solohin mo ang fifty thousand mo!" sagot ni Silver matapos sulyapan si Venella na nakatingin sa kanila at halatang curious sa usapan nila.

"Ayaw mo? Para sa kababayan mo? Bakit? Takot ka bang matalo?"

"Let's stick sa kung ano ang premyo dito," walang ganang sagot ng binata na ikinatawa ni Silver.

"Fifty thousand. Ayaw mo nun? Isa pa, kapag matalo kayo, jowa mo lang naman ang premyo. Walang mawawala sa inyo," sabat ni Negro.

"Ituloy na ang laban. Let's forget the fifty thousand," sagot ni Silver.

"Woah! Ayaw mo?" panigurado ni Tisoy.

"Hindi ko ugaling ipagpusta si Venella. Balik na tayo sa laro!" mahinahong sabi ni Silver saka nginisihan si Tisoy.

"Sure ka? Date lang naman at fifty thousand din 'yon."

"Walang halaga na makakatumbas sa asawa ko," sagot ni Silver. "Lamunin mo 'yang pera ninyo!"

Walang nagawa sina Tisoy nang ihagis pataas ng referee ang bola na agad namang natapik ni Silver patungo kay Noel.

Nagsimula ang bakbakan ng laro. Hiyawan naman ang mga tao.

"Kyaaah. Shoooot!" mahabang sigaw ni Venella na napapatayo sa tuwing maka-shoot ang kupunan nina Silver. Ang yabang kasi nina Tisoy at Negro kapag maka-score.

Princess Without a CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon