26

1.5K 55 0
                                    


Chapter 26

NOTE/REMINDER: Hindi po tagalog ang dialect sa Antique. TAMAD akong i-translate kasi waste of time. Kapag sila-sila lang, please note na hindi tagalog iyon. Kapag nandiyan si Venella, siyempre nagtatalog sila. Marunong silang magtagalog. Hahaha...

UNEDITED...

"Dito ka lang," sabi ni Silver.

"Gusto kong sumama."

"Mainit," ani Silver. Magtatanim siya ng mais pero medyo tirik na ang araw. Tinanghali kasi siya ng gising dahil ayaw pa ni Venella na bumangon sila.

"Magtatanim ka? Ipagbukas mo na," sabi ni Nanay Nene.

"Wala naman ho akong gagawin," sagot ng binata.

Tatlong araw nang sunod-sunod ang trabaho ng binata. Nag-aararo ng bukirin at nagtatanim ng mga gulay at prutas.

Pumunta si Venella sa kusina para tingnan ang nilagang kamote.

"Anak? May problema ba?" tanong ni Nene.

"Wala ho. Bakit, 'nay?"

"Hindi ka na kasi nagpapahinga."

"Gusto ko lang pong habulin ang panahon para makaani tayo nang maaga," sagot ni Silver.

"Iyon lang ba talaga?" usisa ni Nanay Nene.

"Opo."

Hindi na nagtanong pa si Nene. Kilala niya ang anak. Hindi ito interesado sa trabahong bukirin ngunit masipag. Pero ang nakapagtataka, sobrang sipag nito para magtrabaho ngayon.

"Hatiran na lang kita ng kamote, gha," sabi ni Venella nang bumalik dahil hindi pa luto ang nilalaga.

"Sige."

"Hija?"

Napalingon sila kay Tatay Toto na may buhat na isang sako ng bigas.

"Yes po?"

"Hindi naman sa panghihimasok pero kailan ang balak ninyong magpakasal ni Silver?" tanong ni Tatay Toto.

"H-Ho?" nagulat na tanong ni Venella.
"H-Hindi pa namin napag-usapan." Napasulyap siya kay Silver na nagulat din sa tanong ng ama nito.

"Ah, kasi may baboy naman kami. May mga manok at bigas," sabat ni Nanay Nene. "Kapag gusto na ninyong magpakasal, walang problema sa amin. Hindi man magarbo pero may panghanda naman tayo."

"Alis na 'ko," paalam ni Silver.

"Gusto na namin ng apo," nakangiting sabi ni Tatay Toto. Matanda na rin sila kaya gusto nilang makita ang apo dahil nag-iisang anak lang si Silver.

"Bukas po, pupunta sina Isko."

"Ah, magsisimula na pala kayo bukas. Sige."

"Magsimula ng ano?" usisa ni Venella.

"Magpatayo ng bahay ninyo," sagot ni Nanay Nene.

"Magpapagawa tayo ng bahay?" masiglang tanong ng dalaga.

"Alis na 'ko," paalam ni Silver at iniwan na sila.

"Ay, magpapatayo kami ng bahay," excited na sabi ng dalaga. Ang bilis niyang mag-isip kung ano ang design.

Nagdilig siya ng halaman at nagwalis ng bakuran habang hinihintay maluto ang nilagang kamote.

Napansin niyang namumula ang balat niya. Likas na maputi siya kaya kapag magpainit, namumula siya.

Nang maluto ang kamote, inilagay niya ito sa basket at kumuha ng tubig para may pang-inom sila ni Silver.

Nagmula pa sa bundok ang masaganang tubig sa hose kaya libre lang at likas na matamis.

Princess Without a CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon