4

1K 44 2
                                    

Chapter 4

Unedited...

"Puro sila Luna!" naiinis na sabi ko at naupo sa tabi ni Florida habang umiinom ng milktea.

"Huwaran daw e," sabi nito na ikinasakit ng tainga ko. Kesyo maganda raw, mayaman, may utak at maganda ang plataporma.

"Sarap tirisin!" sabi ko na ikinatawa niya. "Anong nakakatawa?"

"Hayaan mo na nga siya. Magpakasaya na lang tayo girl," sabi nito.

"Paano ako sasaya e, nandito ang demonyo sa kaharian ko?" tanong ko at napabuntonghininga. Talk of the campus si Luna dahil na-feature sa morning show ang ginawa nilang charity para sa kabataang nasa lansangan. Bida-bida naman siya.

"Come on, Venella. Marami ang rason para sumaya. Hayaan mo na nga si Luna, nightout na lang tayo mamaya."

"Psh! Siya ang nag-umpisa nito, remember?" paalala ko. Sino ang makakalimot sa pagsulot niya sa dalawa kong kaibigan na nasa ibang bansa na ngayon?

"Hayaan mo na siya. Basta tayo, magaganda," sabi niya at malapad ang ngiting humarap sa akin.

"Balik na ako sa tambayan ko, wala kang kuwentang kausap!" pagpaalam ko. Mas lalong sumasakit ang ulo ko kapag siya ang kaharap ko.

"Hintayin ko pa rito si Carlo e, ikaw na lang," tanggi niya.

"Wala naman akong sinabing tayo! Sabi ko ako lang," pagtataray ko saka iniwan na siya at nagmartsa palabas sa tree park.

Sa lawak ng Westbridge, makakasalubong ko pa ang dalawang demonyo kaya mas lalong uminit ang paligid ko.

"Hi," nakangiting bati ni Luna. Duh? Feeling close lang?

"Hi mo mukha mo!" bulong ko.

"Napanood mo ang interview ko sa morning show?" excited na tanong niya sa akin kaya tumigil ako sa harapan niya saka inirapan muna si Silver bago siya hinarap.

"Hindi ako nanonood ng local news, why?" tinatamad na sagot ko.

"Na-interview ang team namin and well-- masaya ang buong Westbridge. I think, hindi nagsisisi ang Westbrinians kung ba't ako ang pinili nila," proud na sagot nito.

"Hindi lahat ng taga Westbridge," mahinang sagot ko.

"Ikaw lang ang hindi masaya para sa kabutihan ng paaralan," prangkang sabi nito.

"Normal lang 'yan sa manunulot," taas noong sabi ko.

"Wala akong paki sa mga negative na tao. As long na happy ako sa life ko at may lovelife ako, masaya na ako," tumutulis ang ngusong sabi niya saka ipinulupot ang mga kamay sa kanang braso ni Silver.

"Anong connect?" maarteng tanong ko. "Ganoon na pala kababa ang level mo pagdating sa lalaki."

"Huwag mong--" Luna.

"Luna? Huwag mo na siyang pansinin, let's go," sabat ni Silver na halatang hindi apektado. Well, sanayan lang 'yan.

"Hindi--" Luna.

"I said stop it!" saway ni Silver saka hinila si Luna palayo sa akin kaya napa-smirk ako habang nakatingin sa kanila.

"Pathetic!" bulong ko saka ipinagpatuloy ang paglalakad.

"Ang suwerte ni Luna, noh? Sa kaniya na lahat plus yummy pa ang boyfriend," sabi ng babaeng nasa unahan ko.

"Kaya nga e. Ako kahit isang Silver lang sa buhay ko, okay na ako," kinikilig na pagsang-ayon ng kasama.

Duh? What's with him ba na pinagkaguluhan ng mga babae? Wala naman 'yong pera. Kapag iyon ang maging jowa mo, tiyak na ikaw pa ang gagastos.

"Hello, Ven!" masiglang bati ni Ate Mandy na papalapit sa akin.

Princess Without a CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon