18

1.1K 40 0
                                    


Chapter 18

UNEDITED...

"Ba't gising ka pa?" tanong ni Venella nang pumasok siya ay nasa sala pa si Silver.

"May ginagawa akong project."

"Saan?" tanong ng dalaga dahil wala namang papel o gamit sa mesa.

"Kakatapos ko lang iligpit. Patulog na ako. Ikaw? Bakit inumaga ka na?" usisa ng binata.

"Nag-dinner kami ni Kuya Richard."

"Anong oras ka lang niya sinundo kanina ah."

"Dumaan pa kami sa bahay tapos nagpahatid na ako sa kaniya dito."

"Ba't 'di ka pa natulog sa inyo?"

Pasalampak na naupo si Venella sa sofa sa harapan ng binata at hinubad ang sandal.

"Ayaw ko. Isa pa, gusto kong makasama si Kuya nang matagal kaya nagpahatid na rin ako," nakangiting sagot ni Venella. Kapag umuwi siya, mahaba-haba pa ang biyahe nila ni Richard kaya marami pa silang pag-uusapan.

"Nasaan ang asawa niya? Kasama ba niya?" usisa ni Silver kaya sumalubong ang magkabilang kilay ng dalaga.

"Hindi niya kasama 'yon!"

"Ah, baka buntis," segunda ni Silver pero nagulat siya nang lumipad ang throw pillow sa mukha niya.

"Nakakagigil ka na, Silver!" singhal niya na tila umuusok ang ilong.

"May asawa na ang tao, umaasa ka pa rin bang mahalin ka niya, Venella?" prangkang tanong ng binata kaya halatang nagulat si Venella.

"Alam kong may asawa na siya pero wala akong pakialam!"

"Mang-aagaw ba talaga ang role mo sa buhay? Una, ako. Pangalawa, si Richard."

"Kapal mo! Ba't naman kita aagawin?"

"Hindi mo ba ako inaagaw kay Luna?" baliktanong ng binata. "Masaya kami bago ka pa umeksena pero tingnan mo ngayon, wala na kami. Masaya ka na?"

"Oo!" taas noong sagot ng dalaga at dinampot ang sandal saka tumayo. "Masaya ako na nasira ko kayo!"

Tatalikuran na sana niya si Silver pero maagap itong tumayo at hinawakan siya sa braso.

"Kung ganun, bakit kailangan mo pa si Richard if nasa iyo na ako?" madiing tanong ni Silver kaya napatingala si Venella sa binatang nagbabaga ang mga mata. "Or gusto mo lang talagang makipaglaro, Venella?"

Nang mahimasmasan, tinulak niya si Silver. "Alam mong gusto ko lang maghiwalay kayo ni Luna!"

"Naghiwalay na kami, ano pa ba ang gusto mo?" bulyaw ni Silver at itinuro ang pintuan. "Lumayas ka na sa pamamahay ko!"

Hindi makasagot ang dalaga pero nanatili siyang nakatayo sa harapan ni Silver.

"Tapos ka na sa akin kaya makakaalis ka na," mahinang sabi ni Silver.

"Iba ang pagkakaakala nina Daddy," sagot ni Venella. "Ang alam nila magjowa na talaga tayo at balak na nila tayong ipakasal."

"Umuwi ka na at aminin mo ang totoo," pakiusap ni Silver.

"P-Puwede bang magpanggap kang boyfriend kita?" nakangiwing pakiusao ni Venella. "Ang pagkakaalam din ni Kuya Richard, jowa na kita kaya nararamdaman kong hindi na niya ako iniiwasan."

"Iba na naman? Gagamitin mo na naman ako?" mahina pero puno ng hinanakit na wika ni Silver.

Lumapit si Venella at hinawakan ang kanang kamay ng binata. "Please, kahit ngayon lang. Alam mong mahalaga sa akin si Kuya Richard."

Princess Without a CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon