22

1.5K 53 1
                                    


Chapter 22

UNEDITED...

"Mainit na," sabi ni Venella habang nakahawak sa gilid ng karusa.

"Baka mangitim ka niyan," ani Silver. "Pag uwi mo ng Maynila, mukha ka nang ita."

"Maganda pa rin naman ako," pagmamalaki ng dalaga.

"Confident enough, huh?" Nilingon ni Silver ang dalagang nakaupo sa kalesa at nakatingala sa kaniya.

"Why not? May maipagmalaki naman ako."

"Liit kaya," ani Silver sabay smirk.

Na-gets naman ni Venella kaya agad na umusok ang ilong niya.

"Nag-enjoy ka naman! Hmp!" Inirapan niya ang binata.

"No choice." ani Silver sa boses na napipilitan lang.

"Kapal mo! Tinigasan ka naman!" singhal ni Venella. Kapal ng mukhang laitin siya. Eh, hindi naman siya ang nag-initiate. Gumanti lang naman siya a.

Pareho silang natahimik. Nang tumigil ang kalabaw, bumaba si Venella at binitbit ang tsinelas.

"Saan ka pupunta?"

"Maglalakad!" naiinis na sagot ng dalaga dahil nakikita na niya ang ilog.

Bumaba si Silver sa kalabaw at tinanggal ang karusa para makapaligo ang dalawang kalabaw.

"Uy, dahan-dahan!" hiyaw niya.

"Huwag mo 'kong kausapin!" hindi nakalingong sagot niya habang bitbit pa rin ang tsinelas.

"Mapuputikan ka!" pahabol ni Silver na hila na ang dalawang kalabaw habang nakabuntot sa dalaga.

"Hindi ako maarte!" singhal niya kay Silver at nilingon habang naglalakad.

Napatigil siya nang may naapakang basang bagay.

"Ehem!" tikhim ni Silver nang makitang tae ng kalabaw ang naapakan ng dalaga. Tumigil siya para pagmasdan ang reaksiyon ni Venella.

"Yuck!" tili ng dalaga at nagtatalon-talon."Yuck! Yuck! Yuck! Oh my ghad!" Diring-diri siya sa sariling kanang paa. Kung puwede nga lang putulin, puputulin na niya talaga. "Eww! Silver!"

Napalingon siya sa binatang nakatitig sa kaniya at mahinang tumatawa.

"Huwag kang tumawa!" saway niya. Naaamoy na niya ang baho ng tae ng kalabaw.

"Damo lang naman 'yan. Halaman kaya okay lang," sabi ni Silver.

"Yuckkkkkkkk!" maarteng tili ni Venella na umiiyak na. Hindi niya magalaw-galaw ang mga paa. Basa pa naman ang tae kaya nasusuka siya.

"Akala ko ba hindi ka maarte?" natatawang tanong ni Silver pero biglang humagulgol sa pag-iyak si Venella habang nakataas ang mga paa kaya mas lalong lumakas din ang tawa ng binata pero napatigil lang nang mapansin niyang nangingitim na ang mukha ni Venella dahil sa pag-iyak kaya pinakawalan niya ang kalabaw at nilapitan ang dalaga.

"I-I'm dying..." nanginginig ang buong katawang sabi niya.

Walang pasabing binuhat siya ni Silver na para bang bagong kasal at dinala sa ilog saka ibinaba sa tubig.

"A-Ayaw matanggal," parang batang sabi niya na medyo tumahan na sa pag-iyak kaya tinanggal ni Silver ang natirang dumi gamit ang mga paa niya.

"Malinis na," sabi ng binata.

"H-Hindi e. Nandiyan pa rin ang germs at bacteria. Oh my gosh! M-Mapuputol na ang paa ko," sabi niya.

"Wala na. Akala ko ba hindi ka maarte?"

Princess Without a CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon