6

964 37 0
                                    


Chapter 6

Unedited...

"What are you doing here?" tanong ko nang pagbukas ko ng pinto, si Venella ang napagbuksan ko. Naluluha ang mga mata niya habang nakatingala sa akin.

"Hey!" ani ko at napatingin sa apat na malalaking maleta sa tabi niya.

"P-Pinalayas ako sa amin," naiiyak na sabi niya saka pinahidan ng panyo ang mga luha.

"Tapos?" naiiritang tanong ko at napasulyap sa wallclock. Alas kuwatro pa lang ng madaling araw.

"S-Sabi ni Dad, sa lalaki ko na lang daw ako uuwi tutal, ikaw naman daw ang nakakuha ng--" Sumisinghap pa siya dahil sa kakaiyak. "D-Dahil ikaw ang sumira sa puri ko."

"Come on, Venella. Walang nangyari sa atin," giit ko.

"M-Meron kaya," nakalabing sabi niya at napasulyap sa loob ng bahay ko. "I-I'm sleepy, I'm tired and I'm hungry, Silver."

"E di umuwi ka na!"

"Pinalayas nila ako," nakalabi pa ring sagot niya.

"You're their only child kaya hindi nila iyon magagawa. Now, go home na dahil matutulog pa ako!" pagtataboy ko saka pabagsak na isinara ang pinto.

Ano na naman ang pumasok sa kukote ng babaeng 'yon at naisipan nitong mag-alsa balutan dito sa apartment ko?

Mahirap lang ako kaya apartment lang ang kinuha ko. Mahal pa nga ito sa akin e. Dalawa ang kuwarto at may maliit na sala't kusina lang. Isa lang din ang banyo pero nasosolo ko naman dahil mag-isa lang ako. Aside sa free tuition, may allowance rin ako na ginagamit ko pang-araw-araw.

May kumatok na naman pero hindi ko na binuksan. Naupo ako sa sala at napatakip sa tainga nang lumakas ang sunod-sunod na katok.

"Damn!" ani ko saka tumayo at pabalyang binuksan ang pinto.

"What?" singhal ko.

"I'm sleepy," sagot niya saka tinulak ako at pumasok. "Pakipasok na lang ng mga gamit ko, ang bigat e."

"Lumabas ka, Venella!" Utos ko pero mabilis na tumakbo siya papasok sa kuwarto ko.

"Hoy!" Tumakbo ako pero bago ko pa man siya maabutan, naisara na niya ang pinto. "Venella? Open this door!" Ako na naman ang kumakatok at nakailan na ako pero hindi pa rin bumubukas.

"Darn!" Sa inis, sinipa ko na ang pintuan at bumalik sa sala para matulog. Subukan lang talaga niyang magpakita sa akin bukas dahil makikita niya ang hinahanap niya.
Bahala na ang mga gamit niya sa labad pero nunca na ipasok ko siya rito at never na papatirahin. Kung totoo mang pinalayas siya, bahala siyang matulog sa lansangan.

Venella POV

"Argh!" daing ko at napahawak sa likod ko. Ang sakit! Paano, ang tigas ng kamang hinihigaan ko. May foam nga pero pang mahirap lang. Iginala ko ang mga mata ko. Oo nga pala, nasa kuwarto ako ni Silver. Nakikita ko pa nga ang pictures niya na naka-jersey.

Tumayo ako at naghanap ng banyo pero walang CR sa loob ng kuwartong ito kaya lumabas ako.

Naaamoy ko ang pritong hotdog kaya dumiretso ako sa kusina.

"Tamang-tama, nagugutom ako," sabi ko at sa sink dumiretso saka naghilamos at mumog.

"Where are my things?" tanong ko at sumilip sa sala pero wala.

"Umuwi ka na, Venella," mahinahong sabi niya.

"I can't. Believe me, pinalayas ako ng parents ko and I don't have a fuckin'choice kundi umalis sa bahay," naiinis na sagot ko.

Princess Without a CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon