37

1.6K 49 3
                                    


Chapter 37

a/n:

Hi po sa mga readers kong may sakit. Pagaling po kayo ha. Huwag mawalan ng pag-asa at dasal lang... Sana kahit papano, maaliw kayo ng stories ko... Happy birthday sa mga may Birthday ngayon...
😊😊😊😘😘😘

Unedited...

"Kinakabahan ako," sabi ni Venella habang palakad-lakad sa kuwarto.

"Kaya mo 'yan," sabi ni Ella.

Naglakad patungo sa closet ang dalaga at mataman na pinagmasdan ang napakamagandang wedding dress na pinagawa at sariling design niya.

"A-Ang ganda," puno ng paghangang wika niya at ngumiti sa nagvi-video. "I-I'm crying."

"Tahan na, huwag kang umiyak. Masisira ang makeup mo," saway ni Ella.

"I can't believe na magpapakasal na ako," sabi niya habang hinahaplos ang isusuot na may kumikinang na diamanda lalo na sa dibdib. Kapag matamaan ng araw, mas lalo itong kumikinang.

Simple lang ang kasal na gusto niya pero pagdating sa wedding gown, hindi pumayag ang mga Villafuerte na simple lang ang isusuot niya dahil siya na lang ang natira sa kanilang magpinsan na hindi pa nakakasal. Isa pa, nag-iisang anak din siya.

"Isuot mo na kasi nandoon na si Silver," sabi ni Ella kaya tinulungan nilang magsuot si Venella. Three months pa lang ang tiyan niya kaya hindi pa halata ang pagdadalang-tao nito. Tumigil na rin ang pagsusuka niya.

Puno ng paghanga ang nakaukit sa mga mata ng nasa bahay.

"Ang ganda mo," sabi ni Anndy ni Keana na sinalubong siya.

"Thank you po, Ate," pasalamat niya at nginitian din sina Erika at Lyn.

Tumayo sina Kean at sinalubong ang pinsan.

"Ganda talaga ng pinsan ko. So? Pano na 'yan? Mag-aasawa ka na. Wala na kaming princesa," sabi ni Kean.

"Hmm? Kuya naman. May princess naman kayo ni Ate Irene," sabi ni Venella na ang tinutukoy niya ay ang anak nitong si Ariana.

"Yeah." pagsang-ayon ni Kean.

"Ang triplets?" tanong ni Venella na ang tinutukoy ay sina Sky, Blue at Black.

"Nasa simbahan na," sagot ni Keana. "Doon na nila diniretso si Tito Skyler."

Napakagat si Venella sa ibabang labi. Actually, si Tito Skyler talaga niya ang inaalala niya pero bantay sarado naman ito sa triplets na anak at nandiyan naman sina Kyler at Kevin na matiyagang sumasaway.

"Let's go na?" yaya ni Ella kaya lumabas na sila. Napangiti si Venella nang makita ang sasakyan. It's like a fairytale.

Lumapit siya sa kalesa at sumakay. Sa loob ng dalawang linggo, naging cemento na ang daanan mula sa bahay nila hanggang sa center nila. Thanks sa family niya.

Maliwanag na sa paligid pero papasulpot pa lang ang haring araw sa pagitan ng dalawang bundok. Ito ang gusto niya, sunrise. Bagong umaga, bagong Venella.

Nandito siya ngayon sa bahay nina Nathalie dahil hindi sila kakasya sa maliit na bahay nila ni Silver lalo na't marami-rami ang mga Villafuerte, Rodriguez at Lacson.

Mas marami pa nga ang pamilya niya kaysa sa populasyon ng barangay nina Silver. Ilang chopper din ang pabalik-balik para makadalo ang lahat.

Tulong-tulong ang lahat ng kababayan ni Silver pati na rin ang mga katulong ng pamilya ni Venella.

Princess Without a CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon