34

1.4K 51 1
                                    


Chapter 34

Unedited...

Pangalawang araw na nila ito at medyo okay na si Venella. Reresitahan naman daw ng OB niya ng gamot. Pabalik na siya ng hospital dahil umuwi siya at kumuha ng pera. May ipon pa naman ang parents niya mula sa nakalipas na anihan ng mais at nagbenta na rin sila ng sampung sakong palay.

Pagpasok niya sa private room, natigilan siya nang makita ang mga magulang ni Venella kaya biglang nagkaroon ng tambol ang dibdib niya. Sabi kasi ng nurse, inilipat daw si Venella sa private room kaya kinutuban na siya.

"M-Magandang umaga ho," magalang na bati niya at napasulyap sa kasama ng mga magulang ni Venella. Apat sila. Si Kevin, Skyler, Kyler at Ella.

Napakagat sa ibabang labi si Venella habang nakatingin sa kaniya. "Sorry" walang boses na sabi nito at ibinalik sa basket ang apple na kinakagat.

"Ang tagal mong bumalik. Paano kung may kailangan ang anak namin?" reklamo ni Kevin.

"Malayo ho kasi ang sa amin at ilang oras ko pang nilalakad," sagot ng binata.

"Wala man lang bang ibang magbabantay?" usisa ni Kevin.

"Matanda na po kasi sina Nanay at Tatay," depensa ni Silver at lumapit kay Venella kahit na parang kinakatay siya sa tingin ng dalawang tiyuhin ni Venella.

Matapos ang ilang buwan, ngayon lang sila lumitaw. Kukunin na kaya nila si Venella?

"Okay ka lang?" tanong ni Silver.

Tumango ang dalaga at ngumiti. "Kumain ka na ba? Kamusta sina Nanay Nene? Ang orchids ko doon, hindi naalagaan."

"Nandoon naman si Nanay," sabi niya.

"Kumain ka na."

"Kumain na ako bago umalis ng bahay," sagot ni Silver at inilapag sa bedside table ang dalang prutas. "Kumain ka na ba? May saging akong dala. May padala rin si Inday na paborito mong inday-inday."

Nabalitaan nga nilang isinugod si Venella kaya nagpadala ang tiya niya ng prutas at nagluto naman ang asawa ni Isko ng inday-inday.

"S-Salamat ha," nahihiyang pasalamat ni Venella at unang kinuha ang inday-inday saka kinain. Inalok niya ang mga tito pero tumanggi ang mga ito.

Lumabas sina Skyler at Kyler para tanungin daw ang doctor ng kalagayan ni Venella.

Hindi umiimik si Silver sa isang tabi habang nagkukuwento si Venella na kay Silver ang nawawalang necklace nito.

"Sana hindi na ninyo pinabalita," ani Venella. Nagwo-worry siya para kay Silver dahil hindi ito nagsasalita. Alam niyang nahihiya ang binata.

"Alam mo naman ang mga Lacson. Ngayon lang nila nalaman na nawawala nga kaya inutusan nila ang ama mo na hanapin dahil mahalaga iyon," depensa ni Ella at pinisil ang kamay ng katabing anak. "Namamayat ka na."

"Dahil po sa pagbubuntis ko," magalang na sagot niya.

Ngumiti si Ella.

"Alam kong masaya ka," siguradong sabi niya at inipit ang buhok ng anak sa tainga nito.

"Mom? Galit ba kayo?" nahihiyang tanong niya.

"No," sagot ni Ella.

"H-Hindi nyo ba ako hinanap?"

"Alam naming kasama mo si Silver," sagot ni Ella. Tahimik ding nakaupo si Kevin sa sofa at tila nag-iisip ng malalim..

"S-Si Daddy?"

"Maiintindihan niya kayo ni Silver," sagot ni Ella at matamis na nginitian ang anak.

"Huwag ka nang mag-isip kasi nakakasama iyon sa 'yo. Ang atupagin mo ay ang kaligtasan ninyong mag-ina."

Princess Without a CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon