11

960 39 1
                                    



Chapter 11

Unedited...

Nakalabas na kami sa hospital at sina Ate Mandy na ang nagbayad ng bill nila.

Two days lang kami dahil mapilit si Venella. Bawal pa sana pero pumirma na siya ng DAMA para makalabas agad.

"Where have you been? Alam mo bang nag-aalala ako sa 'yo? Walang tao sa apartment mo at hindi rin kita makontak!" singhal ni Luna.

"M-May emergency lang sa bahay," sagot ko.

"Wala bang signal sa probinsya? Silver naman! Ano ba talaga ako sa buhay mo?" Halos pumutok na ang ugat sa leeg niya sa kakasinghal.

"Sorry."

"Sorry? Iyon lang ba 'yon? Tapatin mo nga ako, may iba ka ba?"

As expected, ito na nga ang reaksiyon niya.

"May mahalagang bagay lang akong inayos sa probinsya," tugon ko.

"Like what? Mas mahalaga pa ba kaysa sa akin? You didn't show up sa anniversary natin! I need an explanation, Silver!"

"I'm tired," sagot ko at naupo sa sofa. Dedma lang ang barkada namin, sanay na sila sa away-bati na relasyon namin ni Luna.

"Ah? Tired? Ano ang tingin mo sa akin, hindi pagod?" Sinundan niya ako at namewang sa harapan ko. Wala pa akong tulog sa kakabantay kay Venella sa hospital and for Christ's sake, dagdgaan pa ni Luna. Kailan ba ako makakaligtas sa away ng mga ito?

Tumayo ako at hinarap siya. "You know what, Luna? If pagod ka, pagod na rin ako. Let's breakup!"

Lahat sila ay napanganga at napatingin sa amin. Kahit si Luna ay nabitin din yata sa ere sa sinabi ko. Firstime ko itong sinabi dahil madalas na siya ang nag-iinarte na mag-break kami pero hindi naman natutuloy.

"U-Ulitin mo nga ang sinabi mo..." nauutal na wika niya.

"I'm tired of everything, let's call it a break, Luna."

Pak!

Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa kaniya.

"After what I did? Baka nakalimutan mo, lahat ng meron ka, akin 'yan! Damit, sapatos, alahas at pati apartment mo, ako pa ang nagbabayad!" galit na sumbat niya.

"Luna--"

"Bakit? Nakahanap ka na ba ng mamasang na hayop ka? Sino?"

Napatitig ako sa kaniya. To be honest, naapakan ang ego ko lalo na't halos lahat ng barkada niya ay nandito sa tambayan nila. Hindi naman ako humingi sa kaniya at wala akong naisuot sa mga ibinigay niya maliban sa kuwentas na ito.

"I saved your life, Silver, baka nakalimutan mo?" paalala niya. I know. Hindi ko naman makakalimutan iyon at habambuhay na tatanawin kong utang na loob iyon.

"Kung sino man ang babaeng iyon, sisiguraduhin kong magbabayad siya!"

Sa halip na sumagot, mas pinili kong talikuran siya. Malaki ang respeto ko sa kaniya at bilang anak ng mahirap, malaki ang utang na loob ko pero narating ko ang kung anong meron ako ngayon dahil sa pagsisikap ko naman iyon.

Umuwi ako sa bahay para makapagpahinga pero nang dumating ako, nadatnan ko naman sa sala si Venella na nakaupo at nanonood ng TV habang kumakain ng in-order nito sa Jollibee.

"May pera ka pala," sabi ko at naupo sa tabi niya.

"Kinuha ko sa wallet mo," sagot niya kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Venella!" malakas na sabi ko.

"Finders keeper," aniya kaya agad na tumungo ako sa kuwarto at hinanap ang wallet sa drawer pero laking dismaya ko nang wala na ang limang libong iniipin ko. Allowance ko iyon para ngayong buwan at iyon na lang ang natitira sa pera ko.

Princess Without a CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon