25

1.5K 55 0
                                    


Chapter 25

Unedited...

"Huwag ka na magbestida, mag-shorts ka na lang," sabi ni Silver dahil nagtatanong si Venella. "Bestida ka na lang pala, may butas ang shorts na 'yan."

"Okay."

Puro kay Nanay Nene ang suot niya. Kasya naman sa kaniya dahil payat ang matanda noong kabataan.

"Buti na lang at natago ni Nanay mga damit niya noon."

"Nakikita na kasi talaga niyang mag-uuwi ng babae ang unico hijo niya e," biro ni Venella at tiniklop ang shorts saka ibinalik sa kartong lagayan nila ng damit.

Naghubad siya at nagpalit ng bestida. Kahit medyo sinauna na ang damit, yakang-yaka naman.

Naka-jersey shorts at t-shirt si Silver na uniporme pa nito sa CTU.

"Siguro marami kang kaaway sa CTU kaya lumipat ka sa Westbridge," sabi niya.

"Baka nga."

"Hmm? Nandoon pala si Luna sa Westbridge kaya ka lumipad," ani Venella.

"Mag-aaway na naman tayo niyan mamaya," sabi ni Silver. Ipinasok na naman kasi ni Venella si Luna sa usapan.

"Hmmp? Tara na nga." yaya ng dalaga. Alas dos na ng hapon at alas tres daw magsisimula ang laban pero maglalakad pa sila.

Nang lumabas ng bahay, nagpaalam sila sa mga magulang ni Silver saka naglakad patungo sa pinakasentro ng barangay nila.

"Anong ayaw mo sa akin?" tanong ni Venella na kumakain ng bayabas.

"Lahat."

"Lahat talaga?"

"Oo."

"Hmp! Ayaw ko rin sa 'yo! Eh, ang nagustuhan mo sa akin?" usisa niya kaya napasulyap si Silver sa dalagang naghihintay ng sagot niya.

"Ano ba?" baliktanong ni Silver na parang nag-iisip. "Hmm..."

"Wala talaga?"

"Wala."

"Ako ayaw ko sa 'yo kasi suplado ka at ayaw mo sa akin. Hindi mo pa nga ako sinunod noon, 'di ba? As in hello? 'Di mo 'ko kilala?" maarteng sabi niya.

"Ayaw ko sa babaeng feeling reyna," prangkang sagot ni Silver.

"Eh, bakit mo pinatulan si Luna?"

"Iba--" Hindi niya natuloy ang sasabihin.

"Ah, kasi malaki ang utang na loob mo sa kaniya."

"Bakit ba puro si Luna ang topic natin? Halatang insecure ka sa kaniya e."

"Kasi cheater siya."

Tumango si Silver.

"Saksi ka noon pero mas kinampihan mo siya kaya na-suspende ako."

"Sorry," totoong paumanhin ng binata. Napag-alaman din niyang nandaya si Luna sa pageant. Ano pa kaya ang mga pandarayang ginawa nito laban kay Venella?

"Silver?" tanong ni Venella. "What if hindi ka niligtas ni Luna? I mean-- what if walang tumulong sa 'yo noon o hindi ka nagkasakit? Maging sunod-sunuran ka ba sa kaniya?"

Natahimik si Silver sa tanong ni Venella.

"M-Mahal mo ba talaga si Luna?" kinakabahang tanong ng dalaga. Masasaktan lang kasi siya sa sagot nito.

"Kailangan ko bang sagutin 'yan?" seryosong tanong niya.

"Okay lang kung hindi."

"Si Luna. Siya ang tumulong sa akin. Lahat utang ko sa kaniya. Minahal? Hindi ko alam. Basta ang alam ko lang, nangako akong poprotektahan ko siya," honest na sagot niya. Nagkataon lang na maganda at mayaman si Luna.

Princess Without a CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon