30

1.5K 49 1
                                    



Chapter 30

UNEDITED...

"San ka galing?" tanong ni Venella. Two weeks na silang lumipat ng bahay at masasabi niyang sobrang saya niya.

"Kina Isko," sagot niya sabay bigay ng kakanin.

"Ano 'to?"

"Inday-inday. Nagluto ang asawa ni Isko. Alam niyang paborito mo kaya nagpadala siya."

"Wow! Thank you," pasalamat niya saka ipinulupot ang mga kamay sa leeg ng binata at masuyong hinalikan ito sa mga labi na agad namang tinugon ni Silver.

Maliit lang ang bahay nila. Pag-akyat sa tatlong baitang na hagdan ay balkon nila tapos pagpasok sa pinto sa left side ay may maliit na sala at sa right side ay kuwarto nila. Sa pinakadulo naman ang kainan at kusina na katapat ng CR nila. Simpleng bahay lang talaga pero para kay Venella, sobrang ganda na nito dahil hindi na kailangan ng aircon at electricfan dahil likas na malamig kahit hating-tapat.

"Ven?"

"Hmm?"

"W-Wala pa ba?"

Napakunot ang noo ng dalaga.

"Wala pa ang alin?'

"Ahm... A-Ang mens mo?" alanganing tanong ng binata. Kinakabahan siya. Paano na lang kapag mabuntis niya ang dalaga? Saan sila kukuha ng gastusin? Ang hirap ng palengke at pagamutan dito.

"Wala pa," sagot ni Venella at nginitian si Silver dahil mukhang pasan na nito ang mundo.

Narinig niya ang malalim na pagbuntonghininga ni Silver.

"Nagluto ako ng tinolang kalabasa at alogbati, kain na tayo," pag-iiba niya ng usapan.

"Hindi ka pa kumakain?"

"Hindi."

"Ala una na ah," ani Silver.

"Hinintay kita," sagot ng dalaga. Isa sa mga natutunan niya eh, kahit na gaano kalayo ang pinanggalingan ng kapamilya niya o anong oras man ito dumating, kailangan niyang hintayin para sabay silang kumain.

"Tara, kain na tayo," yaya ni Silver kahit na kumain na siya kina Isko. "Nagutom ka na ba, gha?"

"Kumain naman ako ng nilagang mais," sagot ng dalaga.

"Good. Kapag wala pa ako at magutom ka, kumain ka na ha."

"Matagal pa bang anihan ng mais at palay?" tanong niya. Nang dalawin nila kahapon ang itinanim na mais at palay ni Silver, lumalabas na ang maliit na dahon ng mga ito.

"Buwan pa ang hintayin natin. Bibili pa kami ng fertilizer. Basta. Mahaba pa pero huwag mo nang bilangin. Mapapansin mo na lang na aanihin na sila," sagot ni Silver habang nagsasandok ng tinola.

Tinulungan siya ni Venella sa paghanda ng mesa. Habang kumakain, panay ang sulyap niya kay Venella. Palakain na ito ng gulay at prutas na nakikita sa paligid. Nagpapaturo din ito ng luto kay Nanay Nene niya.

"Bakit?" tanong niya nang mapansing tinititigan siya ni Silver.

"Wala. Mas lalo ka lang gumanda," sagot ni Silver at pinisil ang kanang kamay nito na nasa ibabaw ng mesa. Napangiti siya nang namula ang magkabilang pisngi ng dalaga.

"Bola," ani Venella.

"I love you, gha," seryosong sabi ni Silver kaya napatingin siya sa kaharap.

"M-Mahal din kita, gha," sagot ng dalaga na nakaramdam ng pagkailang.

Princess Without a CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon